16

118 4 0
                                    

"So saan ka mags-start?" Tanong ko habang nasa kwarto niya kami. Nasa lapag ako at nakadapa, nakatutok sa mga libro. Siya naman ay nasa tabi ko at nakaupo, puro libro rin ang kaharap.

"Ang sabi ng manager, practice daw muna. Sa pagkanta, I mean." Napatango ako bago nahiga, tumingin naman siya sa akin.

"Kapag natuto ka ng kumanta, kantahan mo 'ko." Mabilis siyang tumango.

"Alam ko na 'yon. Mag-review na tayo, mamaya na ang tungkol do'n." Masungit niyang tinuro ang librong nakapalibot sa akin. Ang sabi niya kasi ay subukan ko raw magbasa ng higit sa isa para daw masanay ako. Sinusubukan ko naman, pero feeling ko wala talaga akong utak.

Napapangusong pumangalumbaba ako bago basahin ang pangalawang topic. Si Marko ay matyaga pang nagha-highlight, samantalang ako sa pagbabasa pa lang ay sumusuko na.

"Snack time," pumasok si tita Sera na may dalang cupcakes. Magiliw akong tumayo at kinuha 'yon bago nagpasalamat. Ang sabi lang nito ay kakain na ng tanghalian, nakangiti akong tumango bago siya lumabas.

"Snack before we eat? What?" Masungit na napanguso si Marko bago kuhanin ang inaabot kong cupcake. "Mainam pa sana kung ikaw ang nagbake,"

"Bakit naman? 'Di ba masarap mag bake si tita?" Naupo ako sa tabi niya at sumandal sa braso nito.

"Hindi," nang malingunan ay nakangiwi ito. Natatawang inayos ko ang specs niya bago nahiga sa hita nito, napatingin tuloy siya sa akin. "Stop staring at me and read some books," kumuha siya ng libro at inabot sa akin. Nang hindi ko abutin ay sinamaan niya 'ko ng tingin, inabot ko na tuloy.

Hindi naman ako makaligtas sa kanya. Kapag kasi sinusubukan kong huwag basahin ay pinapagalitan niya ako at sinusungitan. Wala na tuloy akong magawa.

"Kakain na," nakangiting hinatak ako ni tita Sera patayo kaya nagpahatak ako. Natawa pa kaming dalawa matapos magawa 'yon.

"Thank you, tita," sabay na kaming dalawa na bumaba. Ramdam ko ang inis ng nasa likod ko, 'di ko na lang pinansin.

"I'm jealous," bulong nitong nasa likod ko, ngunit natitiyak kong narinig 'yon ni Tita Sera dahil mahina itong napahagikgik.

"Okay, sumunod na lang kayo." Pagtapik sa 'kin ni tita bago na maunang magpunta sa dining area.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Marko sa pader at kuputin ako ro'n. "You're making me jealous," napasandal ako ng todo sa pader, lumapit naman ng todo ang seryosong mukha nito sa akin.

Lumapit pa siya ng todo kaya napapikit na ako. "In the wall? Seriously?" Napaayos kaagad si Marko ng tayo matapos marinig ang boses ng daddy niya.

"Dad, com' on!" Reklamo ni Marko.

"Kakain na, mamaya na 'yan." Ngumiti sa akin si tito Keyo bago dumiretso sa dining area.

"Now I'm pissed," reklamo nito bago ako hatakin sa hapagkainan. Nangiti ako ng makitang kumpleto silang lahat.

"Oh! Hi, Ate Hanya!" Bati sa akin ng pinakabunso nilang kapatid na lalaki.

"Hello!" Magiliw kong bati pabalik. Nagtatakbo ito palapit sa akin at tumabi ng upo.

"Move," seryosong sabi ni Marko dito sa kapatid niyang bunso, si Janko.

"No! I'm going to eat here," pag-iling pa nito.

"Do you want my car? The red one?"

"Yes, kuya!"

"So move. I'll give it to you later," mabilis na lumayo ito sa akin at naupo na lang sa katapat kong bangko.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon