29

126 4 0
                                    

Nagsimula ako nang bagong buhay. Kinalimutan ko ang dati kong buhay. Buhay na hindi ko matagalan. Ang pera ni papa ay hanggang ngayon buo pa rin, mas gusto ko pang ibalik sa kanya 'yon. Ayokong gumamit nang pera na galing sa taong halos gahasain na ako. Ano 'yon, pambayad niya sa ginawa niya dati? 'Di ko kailangan ng pasuhol niya.

"Tagal mo na rito, ah?" Nakangiting naupo si sir Matt sa harap ko.

"Kung aalis ako dito, manager, wala na akong mapapasukan na ibang trabaho. Hanggang hig school lang ang natapos ko," nagbaba siya nang kape sa harap ko na nakangiti kong tinanggap.

"Mabuti na rin at nandito ka. 'Yong ibang costumer ay ikaw ang pinupuntahan," natatawang humigop siya sa sariling kape. "Katulad nitong mga dumarating na 'to," turo niya sa mga kakapasok lang na kalalakihan na sa akin agad nakatingin.

"Tigilan mo 'ko, sir," natatawang tumayo ako para kuhanin ang order nila.

Ilang taon na ako sa trabaho. Kung bibilangin ay walong taon na ata. Mas namuhay na ako sa cafe na 'to. Umalis na ako sa mall at sa bar. Mas komportable ako rito, ramdam kong ayos at natutuwa ako sa ganitong trabaho.

Balak ni Sir na magpatayo pa nang dalawang cafe, kaya balak niya munang ipahawak sa 'kin 'tong una.

Sa mga nakaraang taon ay may naiipon naman na akong pera. Balak kong magpatayo nang sarili kong negosyo, kaso ay malaki pa ang kulang sa pera ko, baka nga hindi pa makabuo nang buong bakery 'yon.

"Alis na po ako, sir," pagkaway ko kay sir Matt.

"Ingat, Hanya,"

Hindi muna ako umuwi sa bahay, sa halip ay dumiretso muna ako sa puntod ni mama kahit madilim na. "As expected, nakahiga ka pa rin diyan," natatawa kong pinunasan ang pinakapangalan niya ro'n. "Ilang taon ka na ma na wala, pero bakit nararamdaman pa rin kita? Baka minumulto mo na 'ko? Huwag naman sana,"

Umalis na rin ako nang maubos na ang kandila na sinindihan ko. Kailangan ko pang maglinis sa bahay. Inaabangan ko pa 'yong teleserye na pinapanood ko. Pagkauwi ay nagluto na muna ako bago isalang sa washing ang labahin. Pagkakain nang hapunan ay pumasok na ako sa sala at nanood sa T.V. Nakangiti kong pinanood 'yon habang nginunguya ang sitsirya ko.

Grabe na ang pagkasikat niya ngayon... Ni Marko... I mean. Siya ang pinapanood ko ngayon, kasama si Ella. Sila ang naging pinakasikat na magkapartner sa buong Pilipinas. Malakas naman talaga ang dating nila kahit saan. Kung titingnan mo nga ay sila na. O baka naman sila na talaga? Sa bagay, no'ng kami pa nga ni Marko ay naghahalikan na sila sa harap ko.

Nahiga ako sa sofa at nagpaantok gamit ang panonood. Hindi ko pa natatapos ang pinapanood ay nakatulog na ako.

"Hanya!" Nagulat pa ako sa salubong ni Sir Matt no'ng umaga pagpasok ko.

"Sir! Nakakagulat ka naman!" Nakahawak sa dibdib na inilagay ko ang bag sa isang upuan do'n.

"Alam mo ba..." Bitin niyang sabi. Lumapit pa sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Pabitin ka naman, sir," pagnguso ko.

"May gustong kumuha nang cafe ko para sa commercial!" Napanganga ako nang biglang yumakap si sir sa akin. "Lalong rarami ang bibili niyan sa atin! Matutuloy na ang pagpapatayo ko nang dalawa pang cafe!" Nang makabawi ay tumawa na lang ako.

"Congrats, sir. Libre mo po ako nang dinner mamaya," nag-okay sign siya na ikinangiti ko.

Nagsimula na ulit akong magtrabaho. Habang nagbibigay nang order ay aligaga akong hinatak ni sir palabas. "Hala, sir! Anong meron?!" Gulat kong saad.

"Ikaw ang ipapain ko ngayon. Ikaw ang um-acting! Nandiyan na ang artista na maglalabas nang cafe natin!" Aligagang tinanggal niya ang nakatali sa buhok ko at inayos-ayos pa 'yon.

It Hurts, I Love YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum