"Sabihin mo kung anong nangyari, damn it!" gigil na niyang saad. Napu-frustrate siya sa sitwasyon. Kahit na walang kinalaman sa kanya ang babaeng 'yon, minsan na niyang nahawakan ang batang pigura nito. Ang eksistensiyang naging daan para magbago ang takbo ng buhay niya.

"Binaril siya ng tarantadong 'yon... That damn Godfrey tried to kill her." Naging madilim at mariin ang tono nito. "I swear I'll crush him. Gagamitin ko ang buhay na 'to para tuluyan siyang ibaon sa hukay niya." Inalis nito ang kamay sa mga mata at wala na do'n ang luha. Imbes ay isang kislap ng talim ng isang assassin na walang buhay na sasantuhin.

Kahit nagulat si Bismuth sa impormasyong ipinaalam nito, ang Lead na nakikita niya sa mga oras na 'yon ay ang bagong panganak na demonyo na hindi gugustuhing kaharapin ni Godfrey. Mukhang ginising nito ang namamahay na halimaw sa kaibuturan ng isang frontliner ng HYDRA.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PINAGMASDAN ni Andrea ang dalagang nakaratay sa kama. Nadudurog ang puso niya sa imahe ni Mary Grace. Nang mabalitaan niya mula kay Lead ang nangyari dito, agad siyang bumili ng plane ticket at tumulak papunta doon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Such a coincidence that Godfrey was also there at the restaurant they were dining at. Gaano ba magiging kalupit ang tadhana para sa isang assassin na nawalan at tinahak ang direksiyong iyon ng buhay? Isa ba 'yong senyales? Na hindi para sa mga ito ang pag-ibig? Alpha died as well as Silver and Copper. Kahit napakalupit ng reyalidad, naniwala siyang kay Lead man lang... na dito man lang may magagandang kahahantungan ang buhay. That was why she encouraged him cause she wanted that guy to experience such blissful feelings.

Pero ngayong nakatunghay siya sa babaeng comatose sa kama, nakaramdam siya ng pagsisisi. May ilang araw na din ang nakalilipas nang ipagkatiwala sa kanya ng binata ang pagbabantay kay Mary Grace sa ospital na 'yon. Buhat noon ay di niya pa naaaninag ni anino nito. Sinabi ng doktor ang maselang kondisyon ng pasyente. Tagumpay ang operasyon na isinagawa dito at naialis ang bala na suwerteng hindi tumama sa sensitibong puso nito. Pero masydaong mahina ang katawan ng dalag para maka-recover. Kinailangan nitong salinan ng dugo at alam niyang si Lead ang nag-donate ng sariling dugo nito sa babae. They had the same type of blood na sa kamalasan ay hindi available sa mismong blood bank ng ospital. At hindi sapat ang IV fluids at ang nutritional supplements through injection para mabilis na gumanda ang kalagayan ng katawan nito.

Yayat ang mga braso nito at maputla ang kulay. Kung hindi dahil sa pag-angat ng respirator at sa putol-putol na pagtunog ng cardiac monitor sa tabi ng kama nito, iisipin mong wala na itong buhay. Ang araw-araw na makita ito sa ganoong estado, marahil ay daig pa ni Lead ang nasa impiyerno.

Di maipaliwanag ng mga doktor ang kaso ng babae. Dapat ay gising na ito dalawa o tatlong araw matapos itong operahan dahil wala nang epekto ang anesthesia. Malabong brain dead ang kalagayan ni Mary Grace dahil wala naman itong tinamong head o spinal injury. Inside coma o psychosomatic. Iyon ang konklusyon ng mga ito na di niya ikinatuwa. Mismong ang pasyente ang ayaw gumising mula sa malalim na pagkakaidlip. 

It was a rare case happening on a patient that didn't cause by physical or organic causes. Nangyayari ito sa mga diabetic patients na tumatanggap ng insulin coma therapy. But for god's sake! Mary Grace wasn't even diabetic! Kung ipinaalam ng mga ito ang bagay na 'yon kay Lead, lalo nitong sisisihin ang sarili. Masydo nang nagdurusa ang lalaking iyon kahit hindi pa ito nakakapasok sa HYDRA noon.

Alam niya ng istorya ng buhay nito. Naikuwento sa kanya ni Marco ang bagay na 'yon nang ito pa ang tumatayong informant ng binata. The Crimson family was an influential clan of doctors in the U.S. Parehong doktor ang mga magulang nito, ang lolo nito, ang ilang kapatid ng ama, at ang mismong dalawang kapatid na lalaki ay kumukuha ng pre-med. Bunso si Lead sa magkakapatid. 

He was only fifteen years old back then when he lost his whole family. Isang malayong kamag-anak mula sa pinsan ng ama nito ang nag-benta at nag-traydor sa angkan ng Crimson. Ipinagkanulo ang mga ito para mag-organisa ng isang medical mission sa isang remote island sa Atlantiko. Di alam ng mga ito na grupo ng ilang sugatang terorista ang bibigyang serbisyo. Bilang mga doktor, ginawa pa rin ng mga ito ang trabaho kahit na nagmistulang mga hostage ang mga ito. Ilang buwan ang naging kompromiso at palitan ng transaksiyon ng gobyerno ng Amerika at ng mga terorista para palayain ang angkan. 

Pero isa sa dalawang panig ang di tumupad sa usapan. Bangkay nang nakauwi ang buong miyembro ng angkan bukod tanging sa pinakabatang Crimson. Kumalat ang balitang 'yon sa buong mundo at naging isa sa pinakamalagim na kasaysayan sa mga halang na nag-aaklas sa pamahalaan. Lead was the sole survivor of that tragic event. Half-filipina at half-Russian ang ina nito kaya naman di lang mismong ang kababayan nito sa Amerika ang bumatikos sa kasalukuyang presidente na nakaupo sa gabinete ng Estados Unidos. Napatalsik sa puwesto ang presidente at wala nang naging balita pa sa batang si Brutch Xeph Crimson. At 'yon ang panahon ang pag-usbong ni Lead sa HYDRA. Dahil iisang tao ang dalawa!

Ang pag-ingit ng pinto ang nagpalingon sa kanya mula sa pagmumuni-muni sa kinauupuan. At hayun ang binatang hinahanap niya. Dead expression. Lifeless eyes. Numb stare. Masahol pa ito sa poker face na si Bismuth.

Hindi ito nagsalita at di niya rin nagawang basagin ang katahimikan nang makalapit ito sa kama ni Mary Grace. Di niya alam kung ano ang dapat sabihin. Alam niyang ang ano mang lalabas sa bibig niya ay hindi nito ma-a-absorb sa pagkakataong 'yon. He was in a breakable state where he could see nothing but his goal. Nahuhulaan na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Wala itong mapagbabalingan ng galit at poot kundi ang taong may kagagawan ng lahat ng 'yon. Hangga't di iyon kumakawala sa dibdib ng binata, mananatili itong tila isang zombie.

What are you doing little girl? Wake up! It's not the time to be in a deep slumber! Gumising ka at pigilan mo siya! Ang mga salitang 'yon ang nagsusumigaw sa isip niya.

"Baka masyadong maganda ang panaginip niya kaya ayaw niyang gumising," Lead uttered while gently touching the girl's face.

"Lead—" Naputol ang litanya niya nang humarap sa kanya ang lalaki na blanko ang ekspresyon.

"A favor Andrea." Mula sa kamay nito ay inabot nito sa kanya ang isang asul na kahita. "Give this to her if ever... if ever she woke up." Sa dalawang salitang 'yon kumislap ang mga mata nito. "Birthday gift ko sana sa kanya 'yan. Unfortunately, I couldn't hand it over." Muli itong humarap sa dalaga at masuyong hinalikan ang noo nito. "Who knows... if it would also be our parting gift. But please pray on her side at least. Na hindi siya ang mawawala sa aming dalawa. Duda akong pakikinggan ako ng Diyos." Tumulo ang butil ng luha buhat sa patay na mga mata nito. "Tatanggapin ko na kung anong kapalaran ko. So please, take care of her." Iyon lang at walang lingon-likod na nilisan nito ang kuwarto.

Nang buksan ni Andrea ang kahita, suminghap siya at natakpan ang bibig. "Oh God!" Napapailing na nagtuloy-tuloy ang mga luha niya. Sa loob ng box ay naroon ang isang engagement ring. Patunay 'yon na iniisip ni Lead ang hinaharap. Nakahanda itong talikuran ang ganoong klase ng buhay para makasama si Mary Grace. Pero wala nang saysay pa ang lahat dahil siyamnapu't-siyam na porsiyento, sasabak ito sa giyera para mamatay. 

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now