Ngumiti siya. "Masaya ako basta masaya ka. It's enough---"

"Don't say the word enough!" Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Kapag sinasabi mo ang salitang 'yan, nalulungkot ako, Xeph. Ang salitang sapat laging may karugtong na pamamaalam. Sapat na sa aking masaya ka kahit maglaho ako sa buhay mo, walang kaso. Basta para sa'yo. Kuntento na 'kong ligtas ka kahit wala ako sa tabi mo. You bound to say those things whenever you said the word enough. It is maybe enough for you but it would never be enough for me." Tumayo ito matapos pahirin ang tumulong mga luha. "Pakinggan mo 'ko, ha? Makinig ka sa bawat linya ng kanta dahil ito mismo ang gusto 'kong sabihin sa'yo."

Nakamaang lang si Lead habang sinusundan ng tingin ang babaeng nagtungo sa mini stage sa mismong harap ng piano.

"This song is for a special person who's dearest in my heart," anunsiyo nito sa mikropono at tumingin sa direksiyon niya.

Nakuha ang atensiyon ng mga tao sa loob ng restaurant na 'yon. Pumalakpak ang mga tao at may ilan pang pumito at nagsihiyaw.

Pumailanlang ang tunog ng piano nang simulan nitong pindutin ang tiklado. Tila nahihipnotismong di niya 'to hinawalayan ng tingin. Ang tanawing 'yon kung saan tumutugtog ito ng instrumento ay nagbibigay ng kakaibang init sa dibdib niya. It was the warmth of affection, passion, and love. Iyon ba ang pakiramdam na tinutukoy ni Marco sa tuwing masisilayan nito ang likod ng asawa sa kusina ng bahay? Like he wanted to cry or something. Like he was witnessing the most beautiful and peaceful moment that life could offer.

Pumuno ang magandang tinig ng babae sa kainang 'yon na sumabay sa tunog ng piano.

"High dive into frozen waves where the past comes back to life. Fight fear for the selfish pain, it was worth it every time. Hold still right before we crash cause we both know how this ends. A clock ticks 'till it break your glass and I drown in you again..."

Sa bawat mga linyang kinakanta ng dalaga, parang hinuhukay nito ang malalim na bahagi ng kanyang emosyon. Sa malamyos na tinig nito, pilit nitong ipinapadama na totoo sa loob nito ang bawat mga salita.

"Cause you are the piece of me, I wish I didn't need... Chasing relentlessly. Still fight and I don't know why..."

"If our love... is tragedy why are you my remedy? If our love's... insanity why are you my clarity?"

The song said it all. Na kahit anong piliin niya, walang magiging pagbabago sa pagmamahal nito para sa kanya. Love was unreasonable in every aspects. It had no logic nor it could give you an answer. It was just something you want for yourself no matter what. Dahil sa pag-ibig umiikot ang lahat ng negatibo at positibong bagay kung saan iyon mismo ang silbi ng buhay. Ang masaktan, maging masaya, maghanap, at maging makasarili. Walang tama at mali. Dahil walang kailangang buuing desisyon. Ang desisyon ay ginagamitan ng lohiko. Ang pag-ibig ay hindi. Laging nakadepende 'yon sa gusto niyang gawin. Oo at hindi. Walang excuses para mangatuwiran.

"Walk on through the red parade and refuse to make amends. It cuts deep through our ground and makes us forget all common sense. Don't speak as I try to leave cause we both know what we'll choose. If you pull, then I'll push too deep and I'll fall right back to you."

Parang hangin na hinawi nito ang ulap sa ulo niya matapos ang kanta. The crater on his chest filled up by the love of this girl.

Inulan ito ng palakpak nang tumayo ito at mag-bow.

"Your wife?" tanong sa kanya ng isang puti na tumapik sa balikat niya sa katabing mesa.

He smiled. "Soon to be," maigsing sagot niya.

"You are a lucky hell of a man. She's beautiful and mesmerizing."

"I know." And she's mine. Isang bahagi ng niya ang nagdiriwang sa papuri nito at isang bahagi niya ang nakaramdam ng panibugho. Ngunit hindi niya na 'yon pinagtuunan pa ng pansin. Ang mata niya ay naglimayon sa babaeng nasa gilid ng stage. Nag-uumapaw ang saya at galak sa kanyang puso. Tumayo siya at balak itong salubungin. But then... he stopped.

Tunog ng pagkasa ng baril ang narinig niya. Awomatikong sinundan niya 'yon ng tingin. At di kalayuan sa kanilang mesa sa kanan niya, naroon ang nakaumang na armas. Nakaramdam siya ng purong takot at hilakbot nang makita niya ang mukha ng matandang may hawak ng baril.

"Godfrey..." nanlalaki ang mga matang bulong niya sa hangin. Kung nasa misyon siya, lubos niyang ikatutuwa ang pagkatunton sa matanda. But hell! Ni hindi pinalagpas ng demonyo ang isang payapang sandaling kasama niya si Mary Grace. Sapagkat ang baril na minsang nakatutok sa kanya ay pumaling sa dalagang nasa stage. Hayok na nakangiti ang bilyonaryo sa kanya. Marahil ay nakilala siya nito bilang isang assassin na ipinadala upang pumatay dito. Pero anong kademonyohan ang pumasok sa utak nito para idamay ang babaeng kasama niya?

No! No! No! Ang pagtutol na 'yon ay sumigaw lamang sa kanyang isip. Iyong takbo niyang 'yon sa direksiyon ng kriminal ay sumabay sa pagputok ng baril nito. Huminto siya at agad na nilingon ang dalaga. Hindi na napasinghap siya nang makita niya ang pagbukal ng dugo sa dibdib ng dalaga. Isang fatal shot ang tumama dito.

No, you're not doing this to me again... You're not going to take every important person in my life! Please not this one... I beg you... Oh God...

Ni hindi niya nagawang kumilos at ipagpatuloy ang paghakbang nang napaluhod si Mary Grace at tumumba sa sahig. All the while he was staring on nothingness reaching his hand on an empty space. Huminto sa kanya ang lahat. Tanging ang butil ng luhang kumawala sa kanyang mga mata ang naroon. Ang sakit na unti-unting rumehistro sa puso niya ay hinarangan ang lahat ng kanyang pandama. His mind was trying to block the last image of her in his brain. Pero hindi niya magagawang magbulag-bulagan sa dugong nagsimulang kumalat sa sahig.

"What are you doing? Help your wife!" sigaw ng isang presensiya mula sa likuran niya. Para siyang binuhusan ng tubig na may yelo sa narinig. Doon niya napansin ang mga sigawan at kaguluhan sa paligid.

At ang dalagang nakahandusay sa sahig, dali-dali siyang tumakbo palapit dito. Walang katulad ang takot na namahay sa sistema niya sa mga sandaling 'yon. Pinigilan niya ang sariling mag-isip pa. Galaw ng isang taong sumabak sa isang first aid training ang naging pagkilos niya. Ibiniling niya ang dalaga paharap at kahit pinanikipan siya ng dibdib sa dugong tumambad sa kanya na ngayon ay kumalat na rin sa kanyang mga kamay. Again, he blocked his thoughts. Ipinatong niya ang ulo nito sa kanyang hita, itinaas ang baba para buksan ang daanan ng hangin. But the girl in his arms wasn't even breathing. Maputla ang mukha at walang senyales ng buhay. He tried with all his might to control the rational part of him that would exactly knew what to do on that kind of situation. Sa nanginginig niyang mga kamay, pinulsuhan niya ang dalaga. Thank heavens! It was still beating. But the pulse was faint and fast. At alam na alam niya kung saan hahantong ang ganoong pulso.

Nagmamadali niyang inabot sa kung sinong nag-uusisa ang smartphone niya. "Call for an ambulance!" sigaw niya na hindi na nagawang tingnan pa ang mga tao sa kanyang paligid.

Pinisil niya ang ilong ng babae at nagsimulang bugahan ito ng hangin sa bibig. Ginawa niya 'yon ng paulit-ulit. At wala siyang balak huminto hanggang sa huminga ito.

Breathe! Breathe, Mary Grace! Breathe!

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now