Chapter 29: Nothing

1.9K 37 1
                                    


l ALMIRA'S POV l


Dahil hindi ko naman kayang ibigay yung 'mama' na gusto ni Callix, noong birthday niya ay binigyan ko nalang siya ng bola, iyong totoong ginagamit sa basketball.


Hindi pa niya malalaro 'yon pero pwede niyang itabi, nabanggit din kasi sa'kin ni Myco na nahihilig daw si Callix magtabi ng mga bola. Yeah 'magtabi' at hindi 'maglaro', ang weird lang, parang ginagawa niyang collection ang mga bola.


That was last week, ngayon week ...


Sembreak na! 


3 weeks na walang pasok, 3 weeks na walang baon pero 3 weeks na walang isipin. Okay na rin. Okay na okay.


Okay sana kung 'di lang bubulabugin ni Yana yung pananahimik ko. Kaso nagawa na niya.


"Oy Mira!"


"Oh?"


"Replyan mo daw si Kurt, psh."


Umalis din siya pagkasabi no'n. Tinignan ko yung cellphone ko at may text nga siya. Masama na naman ang timpla ni Yana, kailangan na agad iwasan.


[Mira samahan mo ko bibili akong panregalo kay mama]


Sa kanilang magkakaibigan, si kurt talaga yung pinakasweet sa magulang, kaya naasar siyang mama's boy minsan eh


[Sige, ngaun ba? anong oras?]


[Oo ngaun mamayang after lunch. Daanan pa kita sa inyo?]


Kung dadaanan niya ako, makikita siya ni Yana, makikita rin niya si Yana. Hindi alam ni Kurt na half sister ko yon, ang alam niya kaibigan lang.


Bahala siya.


[Sige sige, text ka na lang pagpapunta ka na :)]


Bahala na si Yana. Alas otso palang, maaga pa at di ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko pa sana matulog kaso gising na gising na ang diwa ko.


"Ate?"-napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko, nandoon si Sharrine kaya naman pinapasok ko siya. May dala dala siyang book at pencils. "Paturo 'to."-at itinaas niya yung mga hawak niya.


"Come."


Nagpaturo siyang magmath. Simpleng addition at subtraction lang. Bilang ateng walang magawa, matyaga ko siyang tinuruan, minsan lang naman eh.


"Ate kelan ako magschool?"-tanong niya habang seryosong nagcocolor sa pictograph sa book niya.


"Next school year. Magsasabay ata kayo ni Callix."-napatigil siya sa pagcocolor.


"Bakit? No, ayaw ko siya classmate."


"Ba't ba ayaw mo kay Callix?"


"Bad kasi siya saka ang panget niya."


"Oy bad yan, ang cute nga niya eh."-Totoo naman eh, may pinagmanahan.


"Pero ate sa'n yung mama niya?"-para sa isang mati-three years old, ang daldal niya, parehas sila ni Callix.


"Heaven."-simpleng sagot ko, hindi ko alam kung naintindihan niya ba yon.


"Ah, do'n nagtatrabaho? Parang si papa?"


"Hindi magkaiba sila. Oh look, lagpas na yang color mo. Pangit na"

___________

March 04, 2015

Second BestWhere stories live. Discover now