Chapter 49: Threat?

2K 27 1
                                    


l ALMIRA'S POV l


"Dion peram ng binder ko"-inabot niya naman iyon sa'kin nang hindi inaalis ang tingin niya sa binabasa niya.


Inopen ko ang notebook saka hinanap 'yung notes ko sa isang subject namin.


Ang bilis bilis ng panahon. Parang noong nakaraan lang 1st year college palang ako, ngayon ilang buwan nalang 4th year na 'ko. Ang galing, kinaya ko.


2nd week na ngayon ng March, malapit na ang bakasyon. Pero bago ko isipin 'yang bakasyon, kailangan ko munang ayusin 'tong pagrereview ko dahil finals week na. After ng week na 'to, aayusin nalang namin 'yung requirements namin sa ilang subjects at ready na kaming humayahay ng dalawang buwan.


"Mira kopyahan tayo."


"Hmm? Kung pwede lang eh."


Kung pwede lang talaga! Baka kaming buong section pa ang magkopyahan. Hindi kasi maganda ang standing namin sa subject na nirereview namin ngayon eh. Minor subject lang siya pero kung magkuripot sa grade daig pa ang major prof namin.


"Peram ballpen."


"Ballpen lang wala ka pa."-inabutan ko na rin siya ng ballpen. Mga nasa 30 minutes din kaming nagreview sa gazebo bago namin maisip na pumasok na ng room.


4-6pm ang subject naming iyon at dahil nga sa MAHAL kami ng prof namin, kahit na tapos na ang lahat sa exam niya hindi niya kami palalabasin unless mag 6pm na. Kabwisit din talaga siya ng malaki eh.


Matapos ang exam, nagkwentuhan nalang yung gustong makipagkwentuhan. Wala namang pake yung prof sa ingay namin.


10 minutes bago kami i-dismiss nakareceive ako ng text galing kay Myco.


[Hindi ako makakasabay sa'yo ngayon, pasensya.]


Bakit? Gusto ko sanang itanong pero hindi nalang. Hindi naman talaga niya obligasyong ihatid ako, makulit lang siya. Baka rin may practice sila ngayon, malapit na ang CBL, 3 weeks nalang.


Ngayong gabi, umuwi akong mag-isa at nagpakaestudyante hanggang sa loob ng kwarto. Hanggang sa patulog nalang ako, walang Myco'ng nagtext sa akin. Medyo nakakapanibago dahil gabi gabi may text iyon sa'kin kahit na simpleng good night lang.


Baka pagod sa practice at nakatulog na?

***

Ngayon araw dapat kasama ko siyang maglunch, naka schedule na iyon tuwing Wednesday dahil sa magkasunod lang kami ng oras ng lunchtime pag ganitong araw. Mauuna lang siya ng 30 minutes sa'kin, isang oras naman ang vacant no'n kaya maiintay niya ako.


10 minutes bago maglunch nakareceive na naman ako text sa kanya. Akala ko sasabihin niyang iniintay na niya ako kaso hindi.

Second BestWhere stories live. Discover now