Chapter 10: Reminisce

4.7K 76 5
  • Αφιερωμένο στον/ην Abcdely
                                    


Almira Andrade


A M E T H Y S T  H I G H


Iyon ang unang-una kong nabasa pagkababa ng motor at pagkatanggal ko ng helmet. Naka-engrave ang malalaking letra ng pangalan ng school sa rock wall na nasa tabi ng main gate. Masyado iyong agaw atensyon para hindi mapansin.


"Nauna ata tayo sa kanila." Ani Myco na tinitingnan ang kalsada na dinaanan namin.


Nilingon ko rin iyon at hindi ko pa makita ang motor ng pinsan niya o ang taxi na sinasakyan ng dalawa niya pang kaibigan.


"Sabi nila maghintayan na lang daw, di'ba? Hintayin na lang natin sila dito."


"Hindi, sa loob na lang natin sila hintayin." Sagot niya saka kinuha ang helmet na hawak ko. "Tara." Aya niya saka naunang maglakad papunta sa entrance.


Mabilis ko siyang sinundan. "Sandali, papapasukin ba tayo kahit hindi naman tayo student dito? Or ako? Baka ikaw kasi papasukin ka kasi alumnus ka naman."


Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisip iyon. Baka pala hindi ako makapasok, sayang naman ang punta ko.


"Hindi 'yan. Tara." Aya niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Dumikit ako sa likuran niya dahil ayokong maiwan.


Pagdating namin sa gate ay napansin ko ang dalawang guard. Ang una ay tinitingnan nang maigi ang bawat estudyanteng pumapasok habang ang pangalawa ang nag-iinspect ng bag.


"Kapag foundation day, mahigpit sa ipinapasok na gamit ang mga guard pero maluwag sila sa mga pumapasok. Hindi mo kailangan ng visitor's ID basta makapagprovide ka ng kahit anong school ID. Pwede ang outsider kapag ganitong event."


Dahil doon ay agad-agad kong kinapa ang school ID ko, suot-suot ko naman iyon.


"Wala namang prejudice 'no kahit galing tayong Thelistine?"


He chuckled. "Ano ka, high school? Masyado mong sineseryoso 'yong kumpetisyon ng Amethyst at Thelistine."


Napalabi ako. "Malay ko ba. Baka sineseryoso pala dito 'yong tungkol doon."


"Walang gano'n dito." Natatawang sagot niya.


Hindi na ako sumagot dahil kami na ang sunod sa pila sa papasok. Unang chineck ang ID namin, tiningnan lang iyon ng unang guard at wala nang ibang sinabi. Dumiretso si Myco sa pangalawang guard at inilapag sa table na nasa harap nito ang bag niya for inspection.


"Oh, marunong ka nang gumamit ng gate ngayon?" Napatingin ako sa pangalawang guard nang bigla siyang magsalita, si Myco ang kausap. Ang laki ng ngiti nito sa kanya.


"Manong naman, tanda niyo pa ako?"


Second BestΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα