Chapter 64: Talk with Kurt

2.3K 36 4
                                    


l ALMIRA'S POV l


Natapos ang laro na nanalo rin kami sa wakas. Hindi na ako bumalik ng gym pero nabalitaan ko iyon mula kay kuya.


Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sinong nagtext.


Si Kurt.


[Saan ka?]


Inikot ko ng tingin ang paligid, malapit ako sa canteen. Iyon ang nireply ko sa kanya, sinabi niyang pupuntahan niya ako. Kung bakit ay hindi ko alam. Mamaya ko nalang siguro itatanong.


"Mira."


Napalingon ako. Ang bilis niya. At siya lang mag-isa.


"Bakit ikaw lang? Saka ba't mo ako hinahanap?"-tanong ko habang paupo siya sa bench na kinauupuan ko.


"Kumusta si Myco?"-balik tanong niya.


"Sana pinuntahan mo nalang sa clinic."


"Nah. Nandoon halos buong team, nanalo pala kami."


"Hmm. Naitext na nga ni kuya sa'kin."


"Kumusta nga si Myco?"


"Okay na, ata? Hindi ko alam eh. Kanina pa kasi ako umalis doon. Pero siguro okay na 'yon. Kailangan lang ng aalalay pag-uwi. Nandoon na sila kuya Drake, kaya na nila iyon."


"Ba't ka pala nandito kung gano'n? Sana bumalik ka nalang sa gym para napanood mo yung laro."


"Nag-iisip ako eh."


Mula sa peripheral vision ko, nakita ko ang paglingon at bahagyang pagkunot ng noo niya.


"Nag-iisip? Mind sharing it?"


Sandali akong napaisip. Kaibigan ko naman si Kurt kaya pwede ko namang sabihin sa kanya. Pero kasi di'ba nagconfess niya ilang buwan na 'yung nakakalipas?


Ang hirap i-open sa taong alam mong more than friends ang tingin sa'yo yung problema mo sa love life mo.


Natawa ako sa naisip, love life? Iyon ba ang tawag dito? Lovelife?


"Mira kaibigan mo naman ako ah. Masyado bang confidential para pag-isipan mo pa kung ikikwento mo sa'kin?"


"Hindi sa gano'n ... usaping puso 'to, Kurt"-tinignan ko siya at alam kong naintindihan na niya yung ibig kong sabihin. Maya maya pa nagkibit balikat siya.

Second BestМесто, где живут истории. Откройте их для себя