Chapter 62: Chasing HER

3.1K 55 2
                                    


l ALMIRA'S POV l


Second day ng finals at wala na sana akong balak na manood pa kung hindi lang dahil kay kuya Alden.


"Almira ano ba!"-sigaw ni kuya for the nth time. At ngayon hinampas na niya ako ng unan. Inis na bumango ako at masamang tinignan siya.


"Ang kulet! Kung gusto mong manood ikaw nalang! Tinatamad ako."


"Hindi ako umabsent sa trabaho para lang tamarin kang samahan ako."


What the..


"Ba't ako? Nandoon si Yana magpasama ka sa kanya. Baka siya gusto niyang manood pero hindi ako."


"Almira isa pa at mahahampas pa uli kita... ng paulit ulit. Hanggang sa bumangon ka dyan."


Inis na tumayo ako at kumuha ng twalya para maligo. Wala na, ayaw ko na sanang pumunta pa doon eh. Ayaw ko munang makita sila.


Ayaw kong makita si Myco na hinahabol si Ash.


Hindi ko alam kung may balak nga si Myco na habulin si Ash pero sa tingin ko meron.

***

Nangyari 'yung ayaw kong makita.


Nasa gym kami ng AU, tapos na ang laban ngayon araw at talo na naman kami. Bukas kapag natalo pa ang team bagsak na kami at AU na ang champion. At ayaw mangyari ni coach ang bagay na iyon kaya naman ngayon ay masinsinan niyang kinakausap ang players niya sa dugout. Sumama rin si kuya sa kanila. Ako naman nagpaiwan nalang dito sa court. Dito ko nalang sila iintayin.


Nasa malalim ako na pag-iisip nang biglang may tumabi sa'kin. Liningon ko ang sino mang iyon para bigla lang ding mapaatras dahil sa gulat.


"Hi."-she greeted with a soft smile curved on her lips. Napatulala lang ako sa kanya kasabay ng unti unting pagbangon ng kaba sa dibdib ko.


Silly, Mira... hindi siya multo.


"Bakit ba... lahat nalang kayo ganyan ang nagiging reaction kapag nakikita ako?"-sandali siyang napasimangot. Tinanaw niya yung court sandali, bigla rin niyang ibinalik yung tingin niya sa'kin. Hindi ako halos kumurap, nakatingin lang ako sa kanya. "Friend ka nina Callea... who are you? At bakit ... tayo magkahawig?"


Bakit kami magkahawig?


Bakit nga ba?


At bakit niya ako biglang linapitan.


"I-I'm ... Almira."


"Nice name. Ashtine Mae here"-inilahad niya yung kamay niya... atubiling inabot ko iyon. "Nanginginig yung kamay mo."-nakangiti niyang puna. Nahatak ko tuloy ng wala sa oras yung kamay ko.

Second BestWhere stories live. Discover now