Chapter 59

2.1K 42 15
                                    


l ALMIRA'S POV l


"Anong nangyayari sa inyo?"


Bumilis ang tibok ng puso ko.


Mas doble kesa kanina... dahil sa boses na iyon.


Tumingin ako kina kuya Drake. Nakayakap pa rin siya kay Ash at ... nahaharang ng katawan ni kuya Drake yung katawan ni Ash mula sa pwesto niya...


Ni Myco.


Nagpanic ako bigla... magkikita na sila.


Lumapit si Myco at pakiramdam ko lalabas na 'yung puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.


Gusto ko siyang pigilan at ilayo dito bigla pero... hindi ako makagalaw. Parang inuubos ng eksena nila lahat ng lakas ko.


Hindi naman ako kailangan dito pero hindi ko magawang ilabas yung sarili ko sa kanila.


Malapit na sa likod ni kuya Drake si Myco ng bigla niya iyong tawagin.


"Drake.."


Napalayo ng onti si Ash kay kuya Drake.


"S-Si Myco...?"-bulong lang iyon pero buong buo kong narinig.


"Oh my. SHIT!"


Biglang sigaw ng kung sino. Paglingon namin, si Kiel papalapit na kina kuya Drake. Agad niyang inagaw si Ash at sinubsob sa dibdib niya. Parang ayaw niyang ipakita yung mukha ni Ash sa'min but too late ...


Kasi nakita na namin... maliban kay Myco.


Naguluhan kami bigla dahil sa ginawa niya. Nagpumiglas si Ash pero pinagsabihan lang siya nito.


Si Myco ay nalilitong nakatingin sa babaeng yakap ni Kiel... Hindi niya nakita si Ash.


"Sino 'yan, Kiel?"


Naghintay kaming lahat sa sagot niya pero wala...


"Kiel?"-this time lumapit na si Myco sa kanila. Nasa likod na ni Ash si Myco, magkaharapan sina Kiel at Myco.


Lumingin si Kiel sa gawi namin, partikular sa pwesto ni kuya Drake.


"Pwede ba... pwede bang alisin niyo muna si Myco dito?"


Mas naguluhan si Myco.


"Ba't ako aalis at sino ba 'yan!?"


Nakita kong umiling si kuya Drake.


Hindi niya gagawin, hindi niya ilalayo si Myco. Kung kaya ko lang sanang gawin. Ako nalang ang gagawa... kaso wala na akong lakas eh.


"K-Kiel hindi ko naiintindihan pero ... pero iharap mo siya."-biglang utos ni ate Callea sa matigas na boses.


Helpless na napatingin siya sa lahat.


"Fuck! I'm late! Fuck! I told you to go home but you didn't listen!"-pabulong pero galit na bulong ni Kiel kay Ash.


So alam niya?


Alam niyang ... buhay?


Biglang sinugod ni kuya Drake si Kiel at sinuntok, dahilan para matumba siya sa sahig at mabitiwan niya si Ash.


"Kieeeeel!"-malakas na tili ni Ash.


Kitang kita ko 'yung pagpapalit ng emosyon sa mukha ni Myco... mula sa pagtataka, ngayon ay gulat na iyon...


Hindi pa niya nakikita 'yung mukha ni Ash pero pakiramdam ko nabosesan na niya ito.


"Putangina Kiel may alam ka!?"-susugod sana uli si kuya Drake pero humarang na si Ash sa kanila. Dahilan para makita na ng buo ni Myco 'yung mukha niya...


Ayaw ko nang makita 'yung magiging reaksyon niya pero ... pero hindi ko magawa mag-iwas ng tingin.


Fuck! Katawan ko naman 'to pero ba't hindi ko makontrol kontrol!


"A-Ano bang nangyayari! B-Ba't kayo—"-hindi na natuloy ni Ash yung sasabihin niya noong bigla siyang hawakan sa braso ni Myco.


Tumingin muna si Myco sa direksyon ko na ikinagulat ko.


"S-Sino ka? Nandoon si Almira."-tinuro niya ako habang na kay Ash 'yung tingin niya. "So hindi ikaw si Almira. Sino ka?"


Nanlabo bigla 'yung paningin ko...


"M-Myco! Bitawan mo –"


"Sino ka nga?!"


"Hindi mo ba—"


"Dammit anong pangalan mo?! Ano! Isa na naman sa kamukha ni Ash!? Gaano ba kayo kadami ha?!"


"A-Ako si A-Ash... Ashtine..."


Bigla niyang binitiwan 'yung braso ni Ash. Agad naman itong lumayo sa kanya. Tinitigan ni Myco si Ash at hindi iyon kinaya ng mata ko.


Bigla nalang tumulo yung luha ko.


Pakiramdam ko kasi ... tanggal na ako sa kwentong 'to dahil bumalik na ang totoong bida.

________________________


AN: Hindi ko alam kung kelan uli ang next update.


Vote l Comment l Thanks!



May 14, 2015

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon