Chapter 57: CBL: Semi Finals

2.4K 34 6
                                    


l ALMIRA'S POV l


Noong nakaraang araw ay natapos na nina Myco yung elimination round at nakapasok sila sa semis. Kahapon ay restday nila dahil nga maaga nilang natapos ang laro...


Ngayon ay semi finals na. Pero hindi katulad ng eliminations at finals, isang araw lang iyon.


Dalawang laro lang ang meron sa araw na 'to at mukhang magkasabay pang magaganap iyon. May dalawang court kasi ang Elite University.


Amethyst University vs. Elite University

Clarence Aille University vs. Thelistine University


Iyan ang laban ngayong araw. Magkakalaban sila kuya Drake at Myco.

***

l 3RD PERSON'S POV l


*Prrrrrrrrrrrrt!


Pito na hudyat ng pagsisimula ng laro sa pagitan ng TU at CAU. Katulad ng inaasahan, kasabay nga ng laban nila ang laban ng EU at AU.


Unang nakuha ng CAU ang bola, mabilis na pinasa ng taga-CAU ang bola kay Drake, mabilis din naman siyang binantayan ni Myco. Captain to captain ang labanan.


Parehas na maliksi at mautak ang dalawa kaya naman walang mangyayari sa laro kapag ang isa sa kanila ang may hawak ng bola. Gamay nila ang kilos ng isa't isa at imbis na advantage ay naging disadvantage pa nila ito sa laro.


Pinasa ni Drake ang bola sa kakampi niya dahil sa hindi siya makapwesto ng maayos dahil sa bantay ni Myco.


Umikot ang bola sa kamay ng CAU bago may nakapuntos. Mabilis na tumakbo ang dalawang grupo sa kabilang ring nang makuha na ng TU ang bola.


Si Drake rin ang bantay ni Myco.. mabilis siyang tumakbo para makawala sa depensa ni Drake, nang maopen si Myco, mabilis na pinasa sa kanya ni Kurt ang bola... mabilis niyang shinoot iyon mula sa free throw lane... uncaring kung papasok ba iyon o hindi. Kung sakaling hindi, nakabantay si Joshua sa ilalim ng ring, alam niyang kukunin nito ang rebound.


Pero mukhang hindi na nito kailangang rumibound dahil nashoot ang bola sa basket.


"Yeah boy! Go Myco!"-pangchicheer ni Drake sa kanya habang hawak nito ang bola papunta naman sa ring neto.


"Hindi kita ichicheer kung iyan ang gusto mong gawin ko."


"Grabe ka naman pinsan."


Hindi na sumagot si Myco dahil baka mapansin na sila ng referee na nag-uusap.

***

Sa bleachers ay nanonood sila Yuri, Callea at Mira. Kasama nila si Coleen kahit na ongoing din ang laban ng school nito sa kabilang court.


Second BestWhere stories live. Discover now