Chapter 43: Mutual Understanding

2K 36 8
                                    


l ALMIRA'S POV l


"Pwedeng ... pwedeng mag-usap muna tayo? May gusto lang akong sabihin ..."


May gusto siyang sabihin?


"Tungkol saan b-ba?"-napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan, nauutal ako eh. Mukhang tanga. Pero hindi ko rin kasi maiwasan, lalo na ngayong bigla akong kinabahan.


"Sasabihin ko kapag pumayag ka na."


"I-Importante ba?"


"Medyo. Siguro?"-nagkibit balikat siya. Gusto ko na sanang umuwi kaso mas gusto kong malaman yung sasabihin niya kaya sa huli napatango nalang ako. "Wag tayo dito... Baka magising si Callix."


"Eh san..."-nabara na naman sa lalamunan ko yung dapat na sasabihin ko noong bigla siyang umalis sa may pintuan. Sumunod nalang ako sa kanya hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto, sumunod nalang ulit ako sa kanya hanggang sa loob.


Nasa gitna na siya ng kwarto at ako naman nasa may pintuan no'ng bigla siyang humarap sa gawi ko.


"Upo ka doon"-tinuro niya ng tingin yung maliit na sofa malapit sa kama niya. Alam kong kwarto niya 'to pero ngayon lang ako nakapasok dito. Anong gagawin namin dito?


Mag-uusap nga di'ba?


"O-Okay na?"-tanong ko sa kanya pagka-upo, nakatayo lang siya at nasa may gitna pa rin.


"Yung tungkol sana 'to doon sa... yung nangya—"


"Sandali."-naintindihan ko agad kung tungkol saan yung sasabihin niya. Wala pa man ay nakaramdam na ako ng kahihiyan. "Nang gabi 'yon kase... siguro wala lang yung isip ko sa utak ko kaya ko nasabi yong mga iyon"-there! I didn't stammer. "Hindi ko sinasadya iyon mga nasabi ko no'n."-Nakayuko na ako. I valued our friendship more than anything else. More than this feeling that I have. Kung kailangan kong bawiin lahat ng nasabi ko sa kanya noong gabing iyon wag lang masira yung pagkakaibigan namin, gagawin ko. "Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko iyong mga yon, hindi ko alam kung saan nanggaling yon. I'm so—"


"Totoo naman lahat ng mga sinabi mo no'ng gabing iyon, diba?"


Natigilan ako.


Gusto ko sanang itanggi at sabihing hindi totoo iyon pero... anong use? Malalaman lang niyang nagsisinungaling ako sa kanya.


"Totoo... a-and I'm sorry for that. Pero ... pwede mong kalimutan nalang iyon. Act like you heard nothing. Act like I said nothing. Act like we know nothing..."


"You said something and it's like a paper glued on my head. Hindi na maalis. Nakadikit na. Para pa ngang recorded na sira eh, kasi paulit-ulit. Ngayon, tingin mo paano ko pa iyon makakalimutan?"

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon