Chapter 9: His Friends

4.7K 88 8
                                    


Myco Lucero


[Mycs dito kami sa Thelistine ngayon, kung wala ka na klase punta kang East lodge, dito kami. Bilis bilis.]


Kumunot ang noo ko. Mag-iisang oras na pero ngayon ko lang nabasa ang message Drake. Nandoon pa ba 'yon ngayon? Pero ano bang ginagawa nila dito? Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot kaya kinuha ko na ang gamit ko at tumayo.


Napalingon si Kurt sa direksyon ko.


"Lalabas ka? Bili mo nga ak—"


"Hindi ako dadaan ng caf."


"Aw, saan ka? Akala ko tinatamad ka pang umuwi?"


"Sa East. Mauna na 'ko."


"Oy, babalik ka pa?" Tanong naman ni Joshua.


"Baka hindi na." Sagot ko saka lumabas ng classroom. Kanina pa talaga tapos ang klase namin pero hindi pa kami makauwi dahil tirik pa ang araw.


Mula sa building namin ay pinuntahan ko ang main kung nasaan ang East lodge. Parang gazebo lang din ang area pero mas malawak kaya naman pagdating doon ay hindi ko rin agad nakita si Drake maliban nang madaanan ko ang mismong lamesa kung nasaan sila. Sandali ko silang tiningnan bago ako unang napansin ni Coleen.


"Oh, sa wakas, Myco!"


Nagtatakang tiningnan ko siya, sunod si Callea na mukhang nayayamot habang nakaupo sa tabi niya. Si Yuri na natigil sa pamumwisit kay Callea nang tingnan ko siya. Huli si Drake.


Noong sinabi niyang nandito siya, hindi ko alam na sila ang kasama niya.


"Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko sa kanilang apat.


Bukod kay Drake na halos linggo-linggo ko naman kung makita, ngayon ko na lang uli halos nakita sina Yuri. Ilang buwan o mag-iisang taon na ata simula noong huli.


Si Coleen ang sumagot. "Ewan ko ba sa mga 'to. Alam ko kami lang ni Callea ang magkikita. Gulat ako naki-tag along 'tong dalawa."


Tiningnan ko siya sandali sunod si Callea. Saka ako napatingin kay Yuri nang sumagot siya.


"Paano 'tong si Coleen, tanga rin. Nagtext kay Callea na magkita sila, sa akin sinend. Pakiramdam ko sinadya niya 'yon para—"


Hinarap siya ni Coleen.


"Lintek naman talaga sa kapal ng mukha mong mas kumakapal pa ata habang tumatagal. Paulit-ulit ko nang sinabi na hindi ko nga sinadya, di'ba? Hindi ko rin sinabing sumama ka, nagpumilit ka. Sinama mo pa 'tong isa."

Second BestWhere stories live. Discover now