Chapter 32

2.3K 37 7
                                    


ALMIRA'S POV l


Magdadalawang linggo na simula nang magsimula ang sem break. Dalawang linggo na rin simula nang maburo ako dito sa bahay. Kumain, matulog, mag-movie marathon, magbasa ng novels at kumain at matulog at manood at magbasa lang ang routine ko araw-araw.


Bumabawi lang. Sobra naman kasi yung gawain pag may pasok eh. Akala mo malakas na bugso ng projects. Halos di ka na makahinga dahil sa demands ng profs.


At 3rd year palang kami sa lagay na 'to. Maka-graduate kaya ako on time pagka4th year? Ay sana lang. Ayoko na 'no.


Time Check: 2:13 A.M., sinave ko na yung story na ginagawa ko sa word. Naglagay na rin ako ng copy sa flashdrive para sure. Kanina kasi nakafeel ako ng urge na isulat yung plot na nasa isip ko. Actually, may magandang scene at palitan ng dialogues akong naisip then start doon, bigla kong naisip na gumawa ng story. Dati na akong gumagawa ng ganito kaya naman may alam na ako sa paraan ng pagsusulat ng fiction story, natigil lang noong naging sobrang busy na 'ko.


Okay. Enough of this.


Kailangan na matulog. Yung eyebags na dapat inaalis ko, mas inaalagaan ko pa ata. Pumunta ako sa FB para mag log out na sana nang makita ko si Myco sa chat list ko. Online siya? Ng alas dos ng madaling araw? Biglang nagising yung inaantok kong diwa. Ayoko pala muna mag out, baka bigla niya akong i-chat o kung ano pa man.


Nagbrowse muna ako saglit, maya maya lang nakita kong may pinost siya. Picture nila ni Callix na mukhang ngayon ngayon lang kinuhaan. Ang kyut nilang magkasama. Ang kyut ni Callix ngumiti kahit na bungi siya. Ang cute ni Myco tignan sa itsura niyang pinasingkit yung mata para gayahin yung medyo singkit na mata ni Callix.


Dahil sa picture nilang yan, may scene na namang pumasok sa isip ko para sa story na ginagawa ko.


/POV NI Girl: I can't sleep kaya tinawag ko siya, maya maya lang sinagot na niya yung tawag. Based on his voice, alam kong nagising ko siya.

Girl: I can't sleep

Boy: Kaya mo ako ginising?

Girl: Mad?

Boy: Nope. I love you. Now sleep.

Girl: I can't nga eh

Boy: *sends a picture of him looking so sleepy*

Girl: AY cute!

Boy: I'm sleepy, now you sleep.

Girl: Okay                        

*End /


Agad kong tinype sa word ang scene na yon. Random scene lang, isisingit ko nalang sa story kapag nahanapan ko ng paglalagyan. Bumalik ako sa FB after saving it again, tinignan ko uli yung picture ni Myco at Callix, 20 minutes palang simula ng ipost yon pero may 49 likes agad, 13 comments pa. Binasa ko yung comments from top at puro mga mentioned names yung nasa comment box.


Yung mga naka-mention na names. Feeling ko mga may gusto yon kay Myco. Feeling ko lang ah. Di ko naman alam kung sikat ba siya sa department nila o hindi eh. Di naman kasi nagkikwento yung tatlo. 

Second BestWhere stories live. Discover now