Chapter 39: Confession: Mira to Myco

2.7K 52 5
                                    


l ALMIRA'S POV l


May nagsasalitang prof. sa harap pero sa katabi kong bintana lang ako nakatingin. Inaantok na 'ko at mas aantukin pa ako kapag nakinig pa ako sa kanya.


Lumipad lang ata yung isip ko buong klase at saka lang ito bumalik sa utak ko noong marinig ko na ang magic words  ...


"Class dismiss."


Mabilis na lumabas si prof. at mabilis din naman kaming nagsipagtayuan. Hindi katulad noong iba na nagkikipaghintayan pa sa mga kaibigan o di kaya ay nagpapaalaman pa bago lumabas, agad akong nakalabas. Wala naman akong dapat paalamanan o di kaya'y hintayin eh.


Mabilis akong naglakad hanggang sa makababa ako palabas pero nagulat ako noong biglang ...


"Huy!"


"Mama!"-napatigil agad ako sa paglalakad at sapo ang dibdib na nilingon ko si Myco. Kilala ko ang tono ng boses niya kaya alam kong siya yung nasa likod ko. "Ginulat mo naman ako eh!"


"Nagdire-diretso ka kasi eh. Sabay nga tayong uuwi di'ba."


Saka ko biglang naalala... Oo nga pala! Paano ko nakalimutan 'yon?


"Ahh ... oo."


"Nakalimutan mo 'no?"-tanong niya pa at napalo ko nalang siya ng mahina sa braso.


"Hehehe, alam mo namang makakalimutin ako kung minsan eh. Sana nagtext ka nalang muna."


"Nagtext ako."


"Eh?"


"Oo nagtext ako. Sabi ko nasa AVR niyo ako, kaso wala ka namang reply. Akala ko wala ka lang load pero kanina nagdire-diretso ka lang, ang bilis pa ng lakad mo. Ayun, naisip kong baka di mo nabasa text ko. Maiba na ... tara na?"


Aya niya at tumango nalang ako. Tahimik kami hanggang makalabas ng gate ng Thelistine.


"Ahh, sa bahay muna tayo ha."-sabi niya maya maya.


"O'sige. Namimiss ko na rin si Callix"


"Pero mas miss ka niya. Hahaha"-hindi na ako nakipagtalo pa doon. Ngumiti nalang ako.


Hindi na kami sumakay tutal hindi naman ganon kalayo ang bahay nina Myco mula Thelistine, kami naman ay mga 4 blocks away mula sa bahay nina Mycs at mga ... 6 blocks away mula sa Thelistine. Mas malayo 'yung bahay nila kesa sa'min pero keri lang. Bakit ko pa sinasabi ito? Wala lang, para may masabi.


Tahimik kaming naglalakad pero maya maya lang ginitgit ako ni Myco para mapunta kami sa kabilang side ng kalsada.

Second BestWhere stories live. Discover now