Chapter 26: Unassuming...

2.2K 43 4
                                    


l ALMIRA'S POV l


First, Haiyan called me at may sinabi na talagang kinakilabot ko.


Second, di pa man ako nakakarecover, bigla bigla na agad sumulpot si Myco sa harap ko. Imagine kung gaano akong nagulat doon.


Third, he hugged me.


Iyon ung pinakanakakagulat sa lahat. Yinakap niya ko.


At para akong nabato.


Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, ang cliche isipin pero totoo.


*TugDugTugDug


Sa akin ba yon o sa kanya? Hindi ko alam kung kanino pero ang ganda ng beat. Parang ... parang nakakaadik.


Unti unti na sana akong makakabuo sa fantasy sa isip ko kaso unti unti ko nang nararamdaman ang paglayo niya sa'kin.


Ngayon nakaharap na uli siya sa'kin, hindi ko alam kung ba't niya ginawa yon. Hindi ko rin alam kung paano titingin sa kanya.


Ghad! Siya yung yumakap pero ba't ako yung nahihiya na para bang ako yung gumawa?


"I'm sorry, namiss lang kasi kita eh."-siya na ang unang nagsalita.


Naisip kong magbiro. "Ah so nagiging sweet ka lang kapag may namimiss ka? Hahaha. Okay lang"


Okay lang? Okay nga lang ba talaga, Mira?


Namiss ka raw niya kaya ka niya yinakap. Ano na mararamdaman mo ngayon?


Oo na, mag a-assume ka na naman.


Lagi naman eh.


Assuming ka kasi.


Pero kasi minsan, di naman kasalanan ng tao ang mag-assume kasi in the first place, hindi siya mag a-assume kung wala namang reason para gawin niya yon.


"Sige na, una na 'ko"-paalam niya. Ngayon nagkalakas na ako ng loob na tignan siya. Ba't gano'n pa rin yung mukha niya?


I mean, ako alam kong namumula ako, buti nalang at gabi na kaya hindi niya napapansin yon, pero ba't siya? Walang pamumula o kahit ano.


Walang epekto yung yakap sa kanya?


Talagang namiss lang niya ako? As a friend? Gano'n lang yon?


"Bye."-simpleng paalam ko sa kanya.


***

12:08 A.M.


Anong oras ba ako humiga? Wala pang alas dyes nakahiga na 'ko sa kama pero nag-alas dose nalang pero gising pa rin ako.


"Ahhh! Kung bakit naman kase ginawa mo pa yon eh. Bwisit ka, Myco!"


Nanggigigil ako at di ko alam kung pano ko 'to ilalabas.


Kinikilig ako, at di ko din alam kung pano 'to ilalabas.


Ang gulo ng isip ko diba?


Parang puso ko lang yan, magulo.


***

Pumasok ako kinabukasan ng antok na antok. Tatlong oras lang ata yung tinulog ko eh.


"Ayun na pala si Mira oh"


Kakapasok ko lang sa room at agad kong napansing nagkukumpulan sila sa assigned seat ko sa subject namin ngayon.


"Anong ginagawa niyo dyan?"-tanong ko, curiousity filled me kaya naman minadali ko yung paglapit sa kanila.


Agad akong tinulak ni Santi palapit sa desk ko. Kung di lang nakahawak sa upuan, malamang na napasubsub na 'ko.


"Kumekerengke ka ha"


"Sa'kin ba yan?"-baka kasi nasa desk ko lang at nakapatong. Mabuti na yung sigurado.


"Akin ata 'teh, naligaw lang dyan sa'yo. Amina nga, blue magic din 'tong teddy bear oh"-tinaasan ko ng kilay si June, isa sa kablock kong bakla.


"Echoserang frog ka nga, inggeretang negra ka pa. Ikaw na Junie"-that's Santi. Nakakunot noong tinignan ko siya. "Isa ka pa beks, you're so tanga naman. Malamang sa paniguradong sa'yo yan. Tignan mo yung card."


At ginawa ko nga.


'Hi, Almira!'


Iyan lang yung nakasulat sa maliit na card.


Walang clue kung kanino galing.


Tinignan ko sila.


"Sinong nagdala neto dito?"


Pero walang may alam ni isa sa kanila.


Tinignan ko uli itong teddy bear na doble ata ang laki sa binder ko, at itong white chocolate na mukhang home made.


Dinampot ko yung bear.


"Tell me, sa'n kayo galing?"


Siguro dala ng kakulangan sa tulog kaya pati teddy bear eh kinausap ko bigla.


Pero di nga, kanino galing 'to?


Ayoko mag assume, imposible rin kasi.


Pero wini-wish ko na san sa kanya galing.

____________

FEBRUARY 10, 2015

Second BestWhere stories live. Discover now