Chapter 54: CB: Second Game

2.1K 31 6
                                    


l KURT'S POV l


Second day and second game namin mamaya. Dahil maaga pa, tumambay muna kami nina Myco sa isa sa rooms namin kapag may pasok. Kasama rin namin 'yung dalawa pa niyang kaibigan na Yuri at Drake raw ang pangalan.


"Hindi ko maintindihan 'yong dalawang babae na 'yon."


"Balisang balisa kahapon nang makita namin eh."


"Paano niyo nasabing balisa?"-tanong ni Myco sa kanila. Ayaw ko naman talagang makinig sa kanila pero hindi maiiwasan dahil tahimik ang buong room at boses lang nila ang maririnig.


"Ewan nga namin. Hindi naman sila nagsalita. Ang tahimik lang nila. Hindi na nga pinanood ni Coleen 'yung laban ng school nila eh."


"Panalo pa rin naman daw yung Amethyst, narinig ko kanina. O ba't di niyo tinanong kung ba't tahimik sila?"


"Ay Myco nakikinig ka ba talaga? Ayaw nga magsalita. Saka nakakatakot kulitin si Callea lalo na kapag gano'n ang mood niya."


Nanahimik na sila pagkatapos. Mukhang nag-iisip. Napabuntong hininga naman ako.


"Myco, Kurt nareceive niyo text ni Mira?"-tanong bigla ni Josh.


Bigla kong kinuha 'yung phone ko dahil sa sinabi niya. May text nga si Mira.


[Guys hindi ko alam kung makakanood ako ng laro. Ayaw kong pumasok. Nanalo kayo kahapon, congrats. Godbless uli sa laro mamaya]


"May sakit ba 'to?"-tanong ni Myco sa'min. Dahil si Joshua ang madalas may load sa'min, siya nalang ang nagreply.


Pero may sakit nga ba siya?


"Nagreply sa'kin si Mira, wala raw siyang sakit. Ayaw lang daw talaga niyang manood. Bukas nalang daw."-Josh.


"Ba't naman kaya?"-natanong ko. Nakapagtataka lang kasi na ayaw niyang manood. Siya? Ayaw?


"Pupuntahan ko nalang siya mamaya."


"Sama kami Myco!"


"Bahala kayo."

***

3PM ang oras ng laro namin laban sa University of Academic Scholars o UAS. Hindi katulad ng laro kahapon, mas madali namin silang natalo.


Simula first year naman hindi pa sila nananalo laban sa'min. Gamay na gamay na rin namin ang laro nila.


Katulad nga ng napagkasunduan kanina, pumunta kami sa bahay nina Mira pagkatapos ng laban namin. May last game pa sana, 'yung team ng pinsan ni Myco vs. ibang school pero hindi na namin pinanood iyon.

Second BestWhere stories live. Discover now