Chapter 65: Feelings no more

2.6K 42 7
                                    


l MYCO'S POV l


4th day ng finals at hindi ako pwedeng maglaro dahil sa paa ko.


Kahapon kinuha ko kay Kiel ang number na gamit ni Ash ngayon. 


Tinawagan ko siya para makiusap uli, nakulitan na ata siya dahil sa wakas pumayag na rin siyang kausapin ako. At eto na nga, hindi na ako makakapaghintay ng ilan pang oras bago ko siya makausap ng personal.


Alasais palang ng umaga pero gising na ako. Hindi ko alam kung talaga bang nakatulog ako.

Kinuha ko ang cellphone, tatawagan ko uli siya. Naghintay ako ng ilang minuto bago sumagot ang nasa kabilang linya.


[Sino 'to?]


Tanong niya agad.


"Ash."


Sandaling nanahimik ang nasa kabila.


[Sino ka?]


"Si Myco 'to."


[Ha? Ba't ka tumawag ng ganito kaaga?]


"Nagising ba kita?"-bigla kong naalala 'yung araw na nasa iisang bahay pa kami. Madalas akong maunang magising sa kanya lalo na noong buntis palang siya kaya naman alam ko yung itsura niya kapag bagong gising siya. Napangiti ako dahil sa alaalang iyon.


[Oo eh. Bakit ka tumawag?]


"Mag-uusap tayo, di'ba?"


[Over the phone?!]


"No. Syempre hindi. Sasabihin ko lang na gusto ko ngayong araw na tayo mag-usap."


[Sana nagtext ka nalang]


"I'm sorry... but I want to hear your voice."


Nangiti ako dahil sa sarili kong sinabi. Natahimik naman siya sa kabila. Gusto kong isipin na may epekto pa rin ako sa kanya.


[Fine. Siguro nga kailangan na nating mag usap. Nalilito na ako sa kilikilos at mga sinasabi mo eh. Saan ba?]


"Dito sa bahay."


[Myco?!]-sigaw niya sa kabilang linya, para siyang nagulat. Kahit ako nagulat din ... sa pagsigaw niya.


"Ano?"


[Alam mo yug nangyari noong huli akong tumuntong dyan ...]

Second BestWhere stories live. Discover now