SC: Beginning of a never ending

5K 55 17
                                    


[Special chapter. Isang taon simula nang matapos ang SB. Mga ganap lang ito after umalis ni Ash. Kung anong nangyari at paano naghiwalay si Myco at Mira. Paanong si Kurt ang minahal ni Mira. Paano nagkabalikan si Myco at Ash. Kung ayaw niyo na, skip na 'to. HAHAHAHAHA.

PS: Plinano ko 'tong special chapter pero hindi ko plinanong maging ganito 'to kahaba. Hehehehe]


I ALMIRA'S POV I


"Myco..."-tawag pansin ko sa kanya. Bumisita ako sa bahay nila, si Callix lang ang naabutan ko sa baba. Sinabi niya sa'kin na nandito nga raw sa kwarto nito si Myco.


Napalingon siya sa'kin, sandali pang nagtaka bago tumayo at lumapit sa pwesto ko. Hinalikan niya ako sa noo saka inakay sa kwarto niya. Umupo ako sa kama, siya sa sofa.


"Anong meron at nandito ka ng ganito kaaga?"-natatawang tanong niya, Mag-a-alas otso palang noong huli kong tingin sa orasan.


Nagkibit balikat ako. "Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa bagong bahay ko."-ang tinutukoy ko ay ang paglipat ko sa bahay ng mga totoo kong magulang. Natanggap ko na sila. Pero hindi ko pa rin magawang iwan sina mama Kath, kuya Alden, Yana at Sharrine. Maliban nalang noong gumaduate kami ng college na kung saan nakiusap na sa'kin sina mama Alice na kung pwede raw, makasama naman nila ako.


Si Jessie na totoo anak ni papa at mama Allima ko, sumama kay ate Ash sa London.


Sa pagkakaalala ko kay Ate, napalingon ako kay Myco. Mahigit isang buwan na simula noong gulatin niya kami at biglang iwan.


"Nga pala... kagabi, nicontact na kami ni ate Ash."


Mabilis ang naging paglingon sa'kin ni Myco. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkakaroon ng buhay ng mata niya. May kirot na dumaan sa dibdib ko.


You're not a good actor after all, Myco.


"A-Anong balita sa kanya?"-tanong niya sa mababang boses. Pilit ko inalam kung anong nararamdaman niya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa mata niya.


"She's good... better, even. Nagsorry siya sa pag-iwan niya sa'tin bigla. Nangamusta rin siya, lalo na kay Callix."


Tumango lang siya. Huminga ako ng malalim.


Mahal ako ni Myco, nararamdaman ko. Sinigurado niya. Pero kung mahal niya ako, alam kong mas higit doon ang pagmamahal niya kay ate, ang bagay na iyon ang hindi niya pinaalam sa'kin pero hindi rin naman niya naitago sa sarili lang niya.


Kung lahat napaniwala ni Myco na nakamove on na siya, ibahin ako. At kung sa pagkakaalam ng lahat ay nakamove on na rin si ate sa kanya, ibahin pa rin ako.


Kasi kung lahat naloko nila, hindi ako kabilang sa lahat na 'yon.


Bigla nakaroon ng bara sa lalamunan ko, pinilit kong lumunok.


Matapos ang ilang sandaling pananahimik namin, nagsalita siya uli. "Anong gusto mong gawin ngayong araw?"-bigla niyang tanong. Napangiti ako.

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon