Chapter 44: Still the same

2K 33 2
                                    


l ALMIRA'S POV l


"Musta friend?"-ngiting ngiting bati sa'kin ni Josh. Matapos ng palabas niyang panliligaw sa'kin ay ngayon ko palang siya makakausap ulit ng solo.


"Josh, thank you."


"Woah, nakakagulat 'yan ha."-seryoso ko siyang tinignan kaya bigla siyang umayos. "Para saan?"


"Sa ginawa mo."-alam kong naintindihan na niya yung ibig kong sabihin. Umupo siya sa harap ko.


"Umamin na si Kurt?"-tumango lang ako. "Eh si Myco?"-naalala ko 'yung napag usapan namin kagabi at napangiti ako, unconsciously. "Woah mukhang successful! Galeng ko talaga. Tsk. Kaya lang Mira ..."-naging seryoso yung boses ni Josh. "Ayokong mag-away yung dalawa ha? Iwasan mong mangyari 'yon"


Naisip ko na rin 'yan kagabi eh. Pero hindi ko matagalan 'yung isipin na 'yon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may gusto sa'kin si Kurt eh. Hindi ko naramdaman.


"Ba't naman sila mag-aaway?"


"Tsk. Iba ang nagagawa ng pusong nagmamahal. Believe me, Mira."


"Susubukan kong hindi mangyari 'yon. Kakausapin ko nalang din si Kurt, kapag nagsawa na siyang iwasan ako."-bigla akong nakaramdam ng lungkot. Iniiwasan ako ng isa sa mga kaibigan ko. Mabigat sa dibdib 'yon.


"Hayaan mo muna. Kahit kami hindi niya kinikibo masyado eh. Hindi makitid mag-isip iyong isang 'yon. Saka mamimiss din tayo no'n kaya hindi niya tayo matitiis."


Sana nga. Napahinga ako ng malalim at may naramdaman akong kaunting kirot sa dibdib ko. Tumayo na ako nang mapansin ko 'yung oras.


"Una na 'ko, Josh. May klase pa ako maya maya."-tumayo na rin siya at sinabayan ako hanggang building namin.


"Bye, Mira! Congrats."-paalam niya.


Nangingiting tinignan ko nalang siya.


Buong klase ay nakinig lang ako sa prof, wala man akong gana ay pinilit ko pa ring maintindihan 'yong lesson niya. Paminsan minsan ay katext ko si Myco. Siya 'yung unang nagPM, parehas kaming matagal magreply dahil patago yung pagtitext namin. Ang alam ko may klase rin sila ngayon eh.


Vacant at sakto lunch time namin. As usual wala na naman akong kasabay...


"Mira! Saan ka? Tara sabay na tayo."


Or so I thought?


Bigla lumitaw si Dion kung saan. Classmate ko ata siya sa subject namin ngayon eh. Ewan lang, hindi ko siya napansin eh.


"Magla-lunch ka na rin ba?"


Second Bestحيث تعيش القصص. اكتشف الآن