Chapter 55: She's Alive?

2.8K 41 6
                                    


l COLEEN'S POV l


Dahan dahang lumingon sa'min ang nag-iisang babae sa kanila.


Alam kong illusion lang ito. Illusion lang ang lahat ng 'to.


3 years ago... namatay siya.


So how come, diba? How come.


Humarap sa'min 'yung babae.


"B-Bes...?"


Akala ko kay Callea galing 'yung salitang iyon pero hindi ... hindi boses ni Callea. At hindi labi ni Callea 'yung nakita kong bumuka.


... Kay Ash.


Si Ash.


Dahan dahan siyang lumapit sa'min. Parehas kaming nanigas ni Callea.


Callea I told you naman eh! I told you ... wag mo nang tawagin.


Gusto kong tumakbo pero wala akong lakas para gawin iyon.


At ngayon... nasa harap na namin siya.


Nasa harap na siya ni Callea... at bigla niyang yinakap ito.


"B-Bes!"


Totoo 'to? Hindi panaginip?


PERO IMPOSIBLE.


Biglang kumalas si Callea sa kanila saka umatras. Nakatingin lang kami sa kanya. Unable to say anything.


Bigla siyang lumingon sa'kin dahilan para mapaatras din ako sa gulat.


"Coleen..."-lumapit siya pero umatras din ako.


"Y-You... y-you... W-Who a-are... y-you?"-lahat sa'kin nanginginig. Alam kong ni kailan ay hindi pa nagparamdam sa'kin si Ash pero kung sa ganitong paraan siya magpaparamdam... hindi nalang.


Hindi nalang talaga.


"Tinawag niyo akong Ash kanina ha..."-lumapit siya pero napatigil din dahil sabay kaming umatras ni Callea.


Nakita kong nagtataka siya ... at nangingilig 'yung luha sa mata niya.


"Ba't kayo lumalayo... hey?"


"T-Tara na, Coleen."


Walang lingong likod na umalis si Callea. Sandali pa akong napako sa ikatatayuan ko pero agad din akong napakilos nang tumingin sa'kin si Ash... o yung multo niya.


Pero bago ako tuluyang tumalikod... nakita ko...


... May tumulong luha mula sa mata niya.


Sa daan palabas ng school na 'to nakasalubong pa namin sina Drake at Yuri pero hindi namin sila pinansin.


Nagtanong sila at nangulit pero walang nagsalita sa'min.


Punong puno ng tanong yung isip ko.


Totoo ba 'yung nakita namin? Hindi illusion? Walang magic?


Si Ash ba talaga iyon? Buhay siya? Totoo ba 'yung reincarnation?


Kung totoo iyon? Ba't kilala kami ni Ash? Di'ba dapat hindi siya si Ash? Di'ba dapat ibang tao siya?


Sa sasakyan pauwi, bigla kong sinampal 'yung sarili ko. Yung malakas.


"Coleen anong ginagawa mo? Ano bang nangyayari sa inyo?"-pigil ni Yuri sa kamay ko noong sasampalin ko na naman sana 'yung sarili ko.


Masakit.


Nasaktan ako.


Gising ako.


Totoo yung kanina.


... pero hindi pa rin ako naniniwala.


Hindi ko ata kayang maniwala sa nakita ko kanina.

________________________________


AN: Share your thoughts and/or reaction. Gusto ko malaman, pinaggigiitan niyo buhay pa siya di'ba? O ayan na! Hahaha.

Vote l Comment l Thanks!

May 10, 2015

Second BestWhere stories live. Discover now