Chapter 2: Attraction

12K 157 35
                                    


Almira Andrade


"Mira!"


"Yes, kuya?"


"Nanood ka ng game kanina?" Tanong niya.


Mula sa pagbabasa ng libro, nag-angat ako ng tingin sa kanya..


"Oo, bakit?"


"Wala, itatanong ko sana kung kamusta? Tingin mo may pag-asa na manalo ang team sa league this year?"


He's referring to College Basketball League.


"What made you think na may pag-asa na kayo this year?"


3rd-year college na si kuya. Siya ang team captain ng men's basketball team ng university. Pangarap niyang mag-champion ang team sa CBL bago man lang siya maka-graduate.


"Never lose hope nga, di'ba? Saka may dalawang freshmen ngayon na magaling. Pwede nang pang first five."


Biglang nagsumiksik sa isip ko iyong lalaking naka jersey #15. He's a freshman I think.


"Talaga?"


Ibinalik ko paningin ko sa librong binabasa ko, kunwari walang pakialam pero sa totoo lang gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa bago na tinutukoy niya. I don't know why, but I'm curious.


"Oo, lalo na si Lucero. Iyong number 15." Napatitig ako sa libro dahil sa binanggit niya, "He's amazing, Mira! Try-out palang pasadong-pasado na. Iyong isa naman, iyong number 11, si Santos, astig din maglaro.

***

That night I had just found myself searching that 'Lucero' on Facebook.


Nagtataka na rin ako sa naiisip kong gawin. Maybe I developed a crush on him? Pero parang 'di naman, parang curious lang ako sa kanya.


Myco Lucero— Gotcha! May 1 mutual friend, si kuya Alden. Medyo nasiguro ko na rito na Myco ang pangalan ng Lucero na hinahanap ko.


I clicked his profile at wala siyang profile picture. 


Nagtingin ako sa wall niya, January 05 ang huling date na nagpalit siya ng display picture. Black naman iyon, plain black and nothing else pero maraming comments at reactions, nangingibabaw ang sad reaction.


Puro condolence lahat ng comments. Hindi ako tanga para hindi ma-gets na namatayan siya recently lang, more or less six months ago to be precise.


I visited his album. Sa profile picture na album niya ay dalawa lang ang laman. Isa iyong recent na black photo at iyong isa naman bago 'yon ay isang baby boy.

Second BestWhere stories live. Discover now