Chapter 7: A walk with him

4.9K 80 6
                                    


Almira Andrade


Tonight's the freshmen night. Lahat ata ay excited at inaanticipate ang gabing 'to pwera sa iilan na tulad ko.


Ang plano ko ay magstay lang ng isang oras. Ang narinig ko magsasalita ang president ng university at magpapakilala sa amin at ilan pang importanteng tao and siguro papakinggan ko lang kung anong sasabihin nila at pagkatapos ay aalis na.


7 pm ang event pero quarter to 8 pm na 'yon nagstart, syempre Filipino time. Naghanap ako ng table sa bandang likod. Wala nang vacant table pero nakakita ako ng lamesa na isa lang ang nakaupo, noong tinanong ko kung may kasama ba siya at sinabi niyang wala ay nagpaalam ako na uupo ako doon. She doesn't mind naman.


Nasa president na nagsasalita sa stage ang atensyon ko maliban nang may kung sino na humila sa makabilang upuan sa tabi ko. Una akong napalingon sa kanan at sinalubong ako ng magaan na ngiti ng isang lalaki.


Agad ko siyang namukhaan pero sandali akong nablangko kung ano nga ba ang pangalan niya.


"Hello!" Bati naman ng kung sino sa kaliwa ko. Napalingon ako doon at nakita ang isang lalaking papaupo na rin sa tabi ko. "Pwedeng makiupo?" Tanong niya saktong pagkaupo kaya hindi ko alam kung para saan pa ang pagpapaalam niya.


Pero namumukhaan ko rin ang isang 'to.


"Nasaan na si Myco? Sabi sa'yong hintayin mo, eh."


Pagkabanggit ng pangalan na 'yon ay pumitik sa isip ko ang pangalan ng dalawang lalaki na ito. Sina Joshua at Kurt. Napalingon ako kay Kurt na siyang nagtanong at nakita kong nakatingin siya sa pinanggalingan nila. Maya-maya pa ay bigla siyang humarap sa gawi ko, siguro para harapin si Joshua pero hindi niya alam na nakaharap ako sa kanya. Nakita kong nagulat siya at bahagyang nag-atras ng ulo.


"O-Oh, hi! Wala kang kasama? Baka reserved seats na pala 'tong iniupuan namin. Hehehe, pasensiya, papatapusin lang namin 'yong sinasabi ng president saka namin hahanapin 'yong blockmates namin."


Wala sa sariling tumango ako. "Sure. Wala namang ibang nakaupo dito." Maliban sa'min ni ate na nauna sa table na 'to.


"Wala kang ibang kasama?"


I just smiled and subtly shook my head. Ibinalik ko ang paningin sa harap bago niya pa itanong kung bakit wala akong kasama.


"I-message mo si Myco, Josh, baka hinahanap tayo no'n."


"Na-text ko na kaso wala pang reply."


Kanina ay gustong-gusto kong bumilis ang oras at matapos na ang speeches ng president at ng mga susunod sa kanya pero ngayon kabaliktaran na ang gusto kong mangyari.


Gusto kong bumagal ang oras para hindi ko pa kailanganing umalis at mahintay ko rin ang hinihintay nila.

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon