Chapter 58

2.3K 36 2
                                    


l MYCO'S POV l


For the first time since pumasok ako sa  Thelistine's basketball team... nakapasok kami sa finals.


Big achievement lalo na doon sa seniors naming pinangarap ito noon.


Matapos ang laro ay tinawagan ako ni Alden. Kuya ni Mira at dating captain ng team. Sinabi niyang parang gusto raw uli niyang sumali sa team at maglaro ngayon. Syempre tinawanan ko nalang siya.


Kinagabihan ay maaga akong nakatulog dahil sa pagod.

***

Ang venue ng laro ngayon ay sa Amethyst, dahil sa alam ko naman kung paano pumunta doon... hindi na kami sumabay sa service ng team, medyo maaga kasi ang punta nila doon eh after lunch pa naman ang unang laban.


Finals... finals na.


Kating kati na akong maglaro.


"Grabe 'no? Yung team natin ilang taon nang kasali sa CBL ngayon lang nakapasok sa finals samantalang iyong Amethyst na kebago bago lang ... pasok agad!"-Josh.


"Mag ingat tayo. Baka talagang magaling."-Kurt.


"Kaya niyo 'yan. Bago lang sila. Mas may experience kayo sa paglalaro dito."-sabat ni Mira. Papunta na kaming AU ngayon kahit na quarter to 10AM palang.


Matapos ang humigit kumulang isang oras, nakarating din kami sa AU. Dalawang schools na lang yung maglalaban pero ang dami dami pa ring estudyante. Malamang na hindi lahat dito eh taga TU o AU.


"Sina ate Coleen oh."-turo ni Mira kina Coleen. Lumapit kami sa kanila.


"WELCOME! WELCOME sa Amethyst University!"


"Mukha ka talagang tanga kahit kelan, Coleen."-asar ko dahil sa itsura niya.


"Che! Matapos kong magcheer sa'yo kahapon gaganyanin mo 'ko. Hindi mo na ako cheerer mamaya. Sa Amethyst na ako."


"EH kami naman ang magchicheer sa kanya. Madami kami oh. Isa ka lang."-Yuri.


Nawala 'yung atensyon ko sa kanila nang nagvibrate yung cellphone ko.


... calling Kiel


Ba't tumatawag 'to? Lumayo ako sa kanila para sagutin 'yung tawag.


"Oh?"


[Mycoooooo! Musta laro? Anong nangyari?]


"Finals na. Sa'n ka ba?"-bigla na naman kasi siyang nawala ilang araw simula noong magbakasyon.

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon