Chapter 24: Plan

2.2K 41 5
                                    

WAIT: May mga naawa kay Mira, alam ko meron ding nakapagbanggit sa'kin na nasasaktan sila para sa kanya. Am beri beri beri hapi to know that. Why? Kasi ang ibig sabihin lang no'n ay nagagampanan ni Mira yung role siya as 'Second Best'.

Sige basa na.

____________

l JOSHUA'S POV l


Hindi ko alam kung ba't ung ibang tao eh ang dami daming iniisip.


Iniisip ni Myco si Callix, si Ashtine.


Iniisip ni Almira si Myco.


Iniisip ni Kurt si Almira.


Ba't ako dahil sa kawalan ng maiisip eh sila na ang pinagkakaabahalan kong isipin?


Down to my plan made because of boredom.


Liligawan ko si Almira. Tapos?


Tapos wala akong mapapala doon, alam ko namang hindi ako sasagutin ni Mira eh. Mahal niya si Myco. Di pa inaamin ni Mira yon pero alam ko, kasi nakikita ko.


"Kurt."


"Hmmm?"


"Ang pogi ko."-sunod kong naramdaman yung ballpen niya sa noo ko. "Oy kung tamaan ako sa mata neto!"


"Oh, edi ipapaospital kita."


"Kurt ..."-this time nag-angat na siya ng tingin mula doon sa sinasagutan niyang crossword.


"Umayos ka nga, seryoso ako dito."


"Seryoso na kasi 'to."-nakatingin siya sa'kin na para bang iniintay niya yung sasabihin ko. "Liligawan ko si Mira, sisimulan ko na. Alam mo naman yung tungkol dito diba?"-tanong ko pero di siya sumagot, nakatingin lang siya sa'kin. Maya maya pa may ballpen na namang tumama sa noo ko. "Aray! Bato ka nang bato dyan na mamaya magugulat nalang katabi mo wala na silang ballpen, na-tersya mo na"


"Sabi mo seryoso yung sasabihin mo."


"Seryoso yon. Ba't ayaw mo maniwala?"


"Nanggagago ka lang. Wag ako, Josh."


"Hindi mo 'ko tutulungan?"-umiling siya. "Ge lang, kapag ako napasagot yu--"


"Sinong papasagutin mo Josh?"


Sabay kaming nagulat sa pagsulpot ni Myco. 


"Mycs pakibatukan nga para sa'kin. Baka sakaling umayos ung pag-iisip niyan"


"Matino ako ha."-depensa ko sa sarili.


"Anong meron?"


"Liligawan niya daw si Mira"-Kurt blurted out. Bigla naman akong binatukan ni Myco. Yung malakas.


"Ano ba! Ba't mo ginawa, masakit ah!"-sinapo ko ang ulo, shit masakit talaga yon.


"Umayos ka, ba't mo liligawan?"-tanong ni Myco na umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakatambay sa classroom, nag-aantay sa next subject.


"Anong ba't liligawan? Ba't ba nangliligawan ang isang tao? Use your coconut shell, Mycs."


"Tanga! Ba't mo liligawan, mahal mo ba? Wag mo nga kaming paglolokohin."-Kurt


"Ba't ba kasi kayo ganyan? Ba't ayaw niyong maniwala. Seryoso ako. Seryosong liligawan ko siya."


"Mahal mo?"-tanong ni Myco.


Ang hirap naman sagutin ng 'oo'.


"Tingin niyo liligawan ko kung hindi?"


"Wag mo ituloy, Josh."-babala ni Kurt. Seryoso siya nang tignan ko.


"Tama, wag mo ituloy kung ayaw mong magkasira sira tayo."-segunda ni Myco.


Halatado sila.


Teka. Parang problema 'to pagnagkataon.


Gusto ni Kurt si Mira, sure na 'ko doon.


Si Myco, pano kung meron na rin siyang gusto kay Mira? Paano si Kurt?


At si Mira, si Myco gusto noon eh. Paano uli si Kurt?


Mutual sina Mira at Myco at talo si Kurt.

________________

February 6, 2015

Second BestWhere stories live. Discover now