Chapter 36: Someone's Jealous

2.1K 35 1
                                    


l ALYANNA'S  POV l


Calling kuya Alden


"Yes kuya?"


[Si Mira?]-salubong na tanong niya. Kumunot ang noo ko. Si Mira 'yung hahanapin pero ako yung tinawagan.


"I don't know. 'Yan lang itinawag mo? Ibababa ko nal –"


[Wait! Bastos 'to ibababa agad. Puntahan mo siya, pakisabi umuwi ng maaga. May ipapagawa ako sa kanya eh.]


I rolled my eyes.


"Kung ako nga natawagan mo eh, ba't di mo nalang di –"


[Di niya sinasagot, okay? Naka-off ata yung cellphone niya. Puntahan mo na, malalagot ka sa'kin pag siya hindi umuwi ng maa –]


"Oo na! Oo na!"


Ibinaba ko na agad 'yung tawag. Ano ba yan, imbis na sa canteen na ako pupunta eh, dadaan pa ako sa kanya.


Pero dahil utos ni kuya, gagawin ko kahit ayaw ko. Laki lang ng takot ko sa kanya eh.


Pagpasok ko ng building nila, medyo nanibago pa ako, usually maingay 'tong college nila eh. Pero ngayon parang lahat nasa klase, wala man lang naliligaw na estudyante.


Ahh maliban pala sa dalawang taong 'yon na mukhang nag-uusap. Ayaw ko mang dumaan sa gilid nila dahil mukhang seryoso silang nag uusap, wala akong magagawa, eh walang ibang daan paakyat sa department nina Mira eh.


Si Mira naman kase eh.


 "Mira? Ano? Pag ako ba? Bibigyan mo 'ko ng chance?"


"K-kaibigan kita, Kurt..."


Automatic na napatigil ako, medyo malapit na ako sa kanila.


Mira daw. Kurt daw.


Tinitigan ko yung likod ng lalaki, dahil siya lang yung kita ko mula dito. Nakatalikod siya mula sa pwesto ko pero kilala ko yung likod niya. Si Kurt 'yan.


Anong chance ang hinihingi niya kay Mira?


Hindi kaya –--- No.


Nagsalita uli si Kurt and I unconsciously stepped forward. Ngayon pati si Mira ay kita ko na.


"Kaibigan mo rin naman si Josh ah! Bakit siya?"

Second BestWhere stories live. Discover now