Chapter 25: That Hug

2.3K 49 14
                                    


l JOSHUA'S POV l


4th day ng CBL. Isang panalo nalang at papasok na kami sa semis.


Sana lang maipanalo namin ang game mamaya.


Magsisimula na ang laro. Ready na lahat, lalo na kaming first five.


Nagstart sa jumpball... agawan, pasahan, shootan ng bola.


Paikot-ikot lang, parang 'tong bolang kasalukuyan kong hawak ngayon.


"Josh!"-sigaw ni Kurt nang may kalabang mahigpit ang bantay sa'kin. Mabilis kong pinasa sa kanya ang bola, na binigay naman niya agad kay Myco.


Mabilis na itinira ni Myco ang bola at... shoot!


Ako ang naunang bumaba sa ring ng kalaban, pagharap ko sa mga kasunuran ko, mga nagsisitakbo na sila pabalik sa ring namin.


May nakasteal?


Pagtingin ko sa bola, lumilipad na sa ere yon. Pumasok sa ring at sunod ko nang narinig yung announcer at yung pito ng referee.


'Lucero for three!!'


*Prrrrrrrt!


Hayop. Si Myco uli.


Time out kaya naman tumakbo ako sa bench namin.


"Ang init mo Myco!"


"Onga, nakakapaso ka, shet!"-kunwaring hinawakan siya ni Kurt at kunwari ring napaso.


"Adik. Tigilan niyo 'ko."-natatawang saway niya saka huminga ng malalim bago uminom ng tubig.


"Chill ka lang Lucero, pag-iinitan ka ng kalaban."-paalala ni coach pero alam kong natutuwa yan. Paano, nasa kalagitnaan palang kami ng 1st quarter pero 21 na ang points ng team. Salamat kay Myco na nasa 13 agad ang ambag.


Mabilis na natapos ang time out kaya naman balik na kami sa laro. Sa buong durasyon ng laro mainit talaga si Myco, kahit na yung mga bwelo niyang akala mo malabong makashoot eh nakakashoot.


Nangangalahati na yung 4th quarter nang ilabas ni coach si Myco sa laro. Bigla kasing nagbago yung laro niya, tumumal yung puntos na nagagawa niya, siguro napagod na kaya maagang pinagpahinga ni coach.


Natapos yung laro at panalo kami, pasok na kami sa semis!


***

l MYCO'S POV l


Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon