Chapter 45: Advance Christmas Celebration

2.1K 36 2
                                    


l ALMIRA'S POV l


Ang bilis lumipas ng araw, akalain mo 'yon, noong nakaraan lang birthday ni Myco tapos ngayon, magpapasko na.


What? May sense ba 'yung sinabi ko?


Pinilig-pilig ko yung ulo ko. Inaantok pa talaga ako dahil alas tres ng madaling araw na ata ako natulog, tapos ngayon may  10am class ako kaya kailangang gumising g 8am. Hello eyebags at pimples, magkikita na naman tayo sa salamin.


"Almira! Natapos mo 'yung chapter two? Sorry sorry sorry sorry! Nawalan kami ng net kaya hindi ko natapos 'yung akin, buti nalang nasend ko sayo yung nagawa ko."-salubong sa'kin ni Thana, thesismate ko.


"Natapos ko naman, ipinasa ko na kay ate Kath, siya na bahala mag-edit."


Sabay kaming napangiti ng maluwag. Tapos na. Huling paghihirap na namin iyon bago magchristmas vacation. Natapos na namin iyong ibang requirements sa ibang subjects, tanging iyong pahirap na thesis na iyon nalang yung natira na ngayon natapos na... hindi naman actually'ng tapos na. Yung part lang namin 'yung tapos, yung sa iba patapos palang.


Ilang araw nalang, magbibreak na. Gustong gusto ko nang hilahin yung oras.


"Ay Mira, nanggaling na pala ako sa room natin kanina, boyfriend mo na ba si Lucero?"-paakyat kami ng hagdan no'ng tinanong niya iyon at kung hindi ako nakahawak sa balustre ng hagdan, malamang na natapilok ako dahil sa gulat sa sinabi niya.


"Bah! Ginulat mo naman ako sa tanong mo."


"Sus! Nabanggit lang siya, naganyan ka na. Boyfriend mo nga?"


"Hindi ah."


"Ows? Eh ba't nandoon sa room kanina at hinahanap. Noong sinabi ni Santi na wala ka pa, pinaiwan nalang niya sa desk mo yung kapeng dala niya."


Talaga? Sana nagtext nalang si—shit naiwan ko pala cellphone ko.


"Kanina pa ba? Nakaalis na siya?"


"Ay hinahanap! Halos kasunod kong lumabas ng building, medyo kakaalis palang niya."


Pupuntahan ko nalang siya mamaya. Sa ngayon mag-aaral muna ako. Inasar-asar ako ng mga kaklase kong nakakita kay Myco kanina. Halos lahat sila iisa ang tanong: kung kami ba raw ni Myco.


Walang kami pero may something. And who knows, baka balang araw mabigyan na kami ng pangalan.


Sige Mira, hindi masamang mangarap. Sige lang.

***

December 23, unang araw ng Christmas vacation. Hanggang tanghali sana yung tulog ko kung hindi lang ako binubulabog na cellphone ko.

Second BestTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang