Chapter 56: Confusion

2.8K 36 1
                                    


l MYCO'S POV l


May mali sa mga babae.


Magkakasama kami ngayon at may mali talaga sa kanila.


Nasa cafeteria kami ngayon nina Yuri, Drake, Coleen, Callea, Mira, Josh at Kurt. Hindi umiimik yung tatlong babae, parang may iniisip.


"Naisip ko lang ... malulunod kaya tayo kung sisisirin natin 'yung utak nila?"-pagpaparinig ni Yuri.


"Kung hindi kayo marunong lumangoy ... baka oo. Mukhang malalim eh."-Josh.


Napailing nalang kami ni Drake. Siniko ko ng mahina si Mira na nasa tabi ko lang. Tumingin naman siya sa'kin.


"Ano ba talagang problema?"


"Wala. Masakit lang 'yung puson ko."


"Masakit na masakit ba? Manghingi ka nalang ng gamot sa clinic... Samahan kita."


Umiling lang siya.


"Hindi, okay lang. Kumain ka na. Ang bagal mo oh."-napansin ko ngang halos tapos na silang kumain, ako nalang 'yung nahuhuli.


May dalawang laro kami ngayong araw, kapag naipanalo namin iyon... pasok na kami sa semis. Ayon sa schedule, sa Elite University magaganap 'yung semis. Isang araw lang din iyon. Do or Die uli. Ang finals naman sa Amethyst University gaganapin, tertiary campus ng Amethyst High kung saan ako nag high school.


"Anong oras 'yung laro niyo?"-tanong ni Mira.


"Yung una 10AM, 2PM naman 'yung huli."


"Ah. Goodluck and Godbless. Kaya niyo 'yan."-ngumiti siya kaya napangiti nalang din ako.


Nag-usap usap sina Drake, Yuri, Kurt at Josh. Tinuloy ko naman ang pagtapos sa pagkain ko. 'Yung mga babae balik sa pagiging tahimik na naman.

***

Maddison College ang una naming kalaban para sa araw na 'to. Isa sila sa mga bagong school na kasali sa CBL. Dahil ngayon palang namin sila makakalaban, hindi namin alam 'yung paraan nila ng paglalaro.


Sa huli natapos ang laban sa score na 56-67 na pabor sa'min.


Huling laban na namin para sa elims kaya naman kailangan namin ayusin. Ang huling kalaban ay ang Santa Lucia University, isa rin 'to sa bagong school na kasali kaya wala rin kaming ideya sa laro nila.


Magaling sila dahil nahirapan kami lalo na sa depensa... Mas matatangkad sila sa'min ng kaunti pero hindi dahilan iyon para matalo kami dahil sa huli 51-58 ang score na pabor pa rin sa'min.


"CONGRATS TEAM! WE'RE ON OUR WAY TO SEMI FINALS! At kapag pinalad, baka hanggang finals pa!"

Second BestWhere stories live. Discover now