Chapter 21: Akielo Flores

2.8K 47 13
                                    

l ALMIRA'S POV l


The game went well. Pagka 4th quarter halos lahat na ng pinapasok ni coach eh nakakascore kaya naman natapos yung game na lamang kami ng 9 points sa kalaban.


"Team, CONGRATS!"-salubong ni coach sa players niyang papalapit sa bench. Nagbuzzer na, meaning tapos na ang laro at panalo nga kami.


Okay! May magandang article akong magagawa mamayang pag-uwi ko.


Malapit sa pwesto ko umupo sina Joshua at Kurt.


"Congrats."-bati ko sa kanila.


"Salamat. Ba't dito ka pala nakapwesto?"-tanong ni Kurt, di niya ako nagawang matanong kanina kasi di siya inilabas sa laro.


Naalala ko bigla yung rason.


Nakaramdam ako ng kirot kanina habang sinasabi niya 'yon pero okay lang sa'kin. Atleast naging honest siya.


"Request ni Myco."-simpleng sagot ko. 


Mukhang naintriga yung dalawa.


"Ba't naman irerequest ni Myco yon?"-Josh. Sasabihin ko bang gusto ni Myco na maramdaman yung presence ni Ash through my existence?


"Ah basta, sa kanya niyo na itanong-- asan pala siya?"-Linibot ko ng tingin yung paligid, ganon din ang ginawa niya. Pero hindi namin nakita si Myco.


" 'Mol, sa'n si Myco?"-tanong ni Kurt kay Josh.


"Mira si Myco daw?"-tanong naman ni Josh sa'kin.


"Che kayo, kasama niyong bumalik di'ba?"


Humarap si Josh kay Kurt. "Oh Kurt kasama daw nating bumalik."


"Eh hindi ko nakita eh, hanapin niyo nalang."-parang umikot lang ah. Tinignan ko si Josh, umiinom siya ng tubig. Batukan ko kaya?


Napailing nalang ako sa sarili.


Hindi nagtagal kailangan na ring bumalik ng players sa dugout, tapos na ang laro kaya naman kailangan na rin nilang mag-ayos ng gamit. May isang laban pa sila mamayang 4pm.


"Beks!"-napalingon ako dahil sa tawag ni Santi, ngayon ko lang naalala kasama ko nga pala siya.


"Nakita mo si Myco?"-agad kong tanong pagkalapit ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

Second BestWhere stories live. Discover now