Chapter 63

2.7K 47 4
                                    


l JOSHUA'S POV l


11am, third day ng finals at lahat kami kinakabahan. Kapag kami natalo pa sa laro mamaya, ang Amethyst na ang magchachampion.


Mawawala yung mga pinaghirapan namin ngayong conference.


"Wala pa si Myco."-bulong ni Kurt. Inikot ko ng tingin itong buong dugout. Wala pa nga siya.


"Anong gagawin ko?"


"Text mo."


Iyon na nga ang ginawa ko. Pati si Mira tinext ko na rin. Baka sakaling magkasabay pala yung dalawa.


Unang nagreply si Mira, nasa court na raw sila kasama uli si captain Alden. Patay na talaga kami sa kanya kapag kami natalo pa.


Hindi nagreply si Myco pero maya maya lang dumating na siya.


Wala siyang pinansin kahit na sino sa'min.


Nagtataka na talaga ko sa mga kinikilos niya. Ang weird niya. At inilabas niya pa yang kawirduhan niya ngayong finals. Lintek naman talaga.


Matapos ang ilang oras... oras na para sa laban.


At si coach pinagsabihan na naman kaming lahat. Palabas na sana kami noong biglang...


"Team."-napahinto kami at napalingon kay Myco. Nakaupo pa rin siya. Tinignan niya kami isa isa. "Pasensya na sa asal ko nitong nakaraang araw. Hindi na mauulit. Ako 'yung captain pero parang ako pa 'yung walang silbi sa laro ngayon..."


"Wag ganyan, Myco."-Sert.


"Oo nga! Bumawi nalang tayo"-Louie. Ngumiti si Myco.


"Sige. At ngayon, kailangan na nating manalo. Masyado nating pinadali 'yung pagkakapanalo nila noong nakaraan-"


"Buti alam mo, captain"-siniko ko bigla si Kurt. Baliw talaga 'to.


"Oo na. Basta kailangan na nating manalo. Kailangan nating magchampion ngayon."


"Sa wakas gising na si Myco!"-nasigaw ko nalang sa tuwa.


He's back. Natutuwa ako para sa kanya. At talagang kailangan namin siya.


Pumasok kaming court at tilian agad ng mga taga TU ang sumalubong sa'min. Buti naman at may nanonood pa kahit na natalo na kami ng dalawang beses.


Sa likod ng bench namin sa may taas, nandoon si Mira katabi si capt. Alden.


Second BestDonde viven las historias. Descúbrelo ahora