Chapter 5

7.3K 102 16
                                    


Myco Lucero


Sinundan ko ng tingin iyong Almira habang papalayo siya. Hindi ko pala guni-guni na nakikita ko si Ash. Talaga palang nakikita ko siya. Hindi nga lang siya mismo kundi kamukha niya.


Hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o ano. Ang akala ko kasi sa wakas ay nagpaparamdam na siya sa akin. Pinaglalaruan lang pala ako pagkakataon.


Natawa ako ng mapakla.


Sa unang tingin ay halos hindi ko maipagkaiba si Ash sa babaeng kaharap ko kanina lang. Sa kahit anong anggulo ay talagang magkahawig sila. Pero nang titigan ko na ang mukha niya at marinig ang boses niya, doon ko nasiguro na ibang tao nga ang nasa harap ko.


Pero nakakatawa pa rin na sa dami ng tao sa mundo, dito pa talaga ako makakakita ng kamukha niya.


Napabuntong hininga ako at may kirot na biglang dumaan sa dibdib ko.

***

Almira Andrade


Pagkagaling sa gazebo ay sa restroom muna ako dumiretso para ayusin ang sarili ko. Gusto kong mapangiwi sa itsura ko pagharap sa salamin. Tikwas tikwas ang buhok ko at nangingitim ang mukha, ang ilong at noo ay nangingintab sa mantika. Biglang pumasok sa isip ko ang itsura ng babae na ilang beses na napagkamalan na ako.


Kahit magkahawig kami, di hamak na mas maganda iyong babae para pagkamalan na ako.


Kung ikaw ang boyfriend, dapat kabisado mo ang girlfriend mo mula ulo hanggang para para makipagkamali sa ibang tao.


Napailing na lang ako.


Ilang minuto pa akong nagstay sa restroom bago bumalik sa classroom para sa susunod na minor subject ko. Parang walang nangyari kanina nang pumasok ako ngayon, walang pumansin sa'kin. At dahil hindi naman alphabetical ang sitting arrangement ngayon, hindi tulad kanina, sa dulo na ako umupo para kahit ma-space out ulit ako ay wala nang makakapansin.

***

"ABJ 1, announcement from the Journ office." Lahat ng atensyon ay napunta student assistant, na senior din namin, nang pumasok siya sa classroom. Tumayo siya sa harapan saka nagpatuloy. "In case hindi niyo pa narinig, next week gaganapin ang freshmen night. When, where, what time—it would be on Friday next week, in the university hall, at exactly 7 pm. What to wear? Casual attire. Required bang umattend? The answer is yes. May bayad? Yes, the fee will be added to your statement of account. You can check it on your student information system, ma-aaccess niyo na 'yon starting this week. And another, next week required nang mag-uniform ang lahat ng freshmen. Patapos na ang adjustment period so expected nang naka-uniform kayo next week. Sa gate palang ay hindi na papapasukin ang hindi naka-uniform unless makapag-provide ng valid reason kung bakit hindi ka pa magsusuot. That would be all for now. Good day, everyone."


Paglabas ng student-assistant, parang nagkaroon na uli ng sariling mundo ang mga kaklase ko. Lahat sila nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa Freshmen night. Dahil pakiramdam ko out of place na naman ako, lumabas na lang ako ng room at pumunta sa cafeteria. Isang oras pa bago pumasok ang huling prof kaya may oras ako para kumain kahit hindi ako nagugutom.

Second BestWhere stories live. Discover now