Chapter 8: Let the real story begin

4.7K 92 14
                                    


3 years later.


Myco Lucero


"Pre..."

"Pre..."

"Pre..."


Sandali ko lang sinulyapan ang batang sinusubukang hilain ang damit ko mula sa likod.


"Callix, 'wag maingay." Mahina kong saway.


"Pre, laro."


"May ginagawa si pre, 'nak." Sagot ko na hindi inaalis sa monitor ang paningin.


Nagsimula siyang pumeke ng iyak kasabay ng mas malakas na paghila sa damit ko. Hindi ko na 'yon natiis kaya binitawan ko sandali ang ginagawa saka siya hinarap at kinarga. Dinala ko siya sa labas ng kwarto.


"Maglalaro tayo mamaya, ah? Tatapusin ko lang muna 'yong ginagawa ko. Nood ka muna dito."


Nang umupo ako sa sofa ay naramdaman niyang bibitawan ko na siya kaya kumapit siya sa leeg ko kasabay ng mahinang pagwawala.


"Ayaw. Ayaw Barney, bakla aynasor."


"Sinong nagturo sa'yo niyan?"


"Tito Dleyk."


Siraulong 'yon.


Hinarap ko sa akin si Callix.


"Di'ba sabi sa'yo 'wag kang makikinig sa mga pangit."


"Kaya 'wag ka na rin makikinig kay pre, Callix."


Napalingon ako sa pinto dahil sa boses na nangibabaw sa likuran namin habang si Callix ay mabilis na nagkakawag at bumaba mula sa pagkakakarga ko sa kanya. Nang makababa ay mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto.


"Tita chiks!"


"Baby Callix." Salubong ni Almira sa bata at nag-squat kapantay nito.


Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag nang makitang dumating na siya.


Tumayo ako ng maayos saka lumapit sa kanila.


"Ang tagal mo."


Tinaasan niya ako ng kilay. "Demanding ka, ah. Buti nga pumunta, eh." Kinuha niya si Callix at kinarga kasabay ng pagtayo niya. "Yah, ang bigat mo na." Hinarap niya uli ako. "Ano, labas muna kami?"

Second BestWhere stories live. Discover now