Chapter 40: Guys Talk

2.2K 45 2
                                    


l MYCO'S POV l


"Myco naman, 3 years ko nang nararamdaman 'to. 3 years na akong nasasaktan. Ngayon pa nga lang nasasaktan na naman ako. Anong sakit pa ba yung mararamdaman ko. Paano ko pa ba mapipigilan 'to? Tingin mo may way pa? Kung sa tingin mo meron ... sige sabihin mo sa'kin. Gagawin ko. Makalimutan ko lang 'to... makalimutan ko lang na mahal kita. Mawala lang 'to. Hindi kasi madaling dalhin 'to eh ... H-hindi madaling m-mahalin ka..."


"Hindi kasi madaling dalhin 'to eh ... H-hindi madaling m-mahalin ka..."


Hindi madaling mahalin ako... alam ko naman yon. Kahit si Ash nakikita kong nahihirapan dahil sa'kin, pero dahil mahal niya ako, kinakaya niya.


Alam kong hindi ako madaling mahalin pero bakit ...


Bakit nasaktan ako nang sa kanya ko marinig iyon?


Sinabi ko kay Alden na ihahatid ko siya pero mukhang hindi ko na siya kayang sundan. Isa pa, hindi rin makakatulong sa kanya iyon ngayon. Nakita ko namang nasaktan siya eh.


Just be safe, Mira.


Umuwi ako at naabutan ko si Drake sa sala at nakahiga sa sofa.


"Umuwi ka na."


"Wowowow! Matapos mo akong bulabugin at pagbantayin ng anak mo, ngayon papauwiin mo nalang ako big—"


"Pwede ba? Sa susunod mo na iparinig yang talak mo. Umuwi ka nalan—"


"May problema ka 'no?"


"Wal—"


"Meron eh."


"O edi sana di ka na nagtanong. Nahulaan mo na pala eh."


"Hindi kasi madaling dalhin 'to eh ... H-hindi madaling m-mahalin ka..."


Bwisit. Paulit ulit na sa isip ko yan at paulit-ulit akong nakakaramdam ng kirot sa dibdib ko.


"Sige na, una na 'k—"


"Sandali."-pigil ko noong palabas na siya. "Shot tayo, sagot ko."


"Nyaaaa! May problema nga talaga 'to. Sige na, amina pera."


Inabutan ko naman siya at agad naman siyang lumabas.


Napaupo ako sa sofa at ayaw ko man, kusang pumasok sa isip ko yung mukha ni Mira habang nagsasalita siya. Nakita ko kung paano namuo yung luha sa mata niya. Alam kong kaunti nalang babagsak na yon pero hanga ako sa kanya kasi hindi niya hinayaang tumulo iyon.

Second BestDonde viven las historias. Descúbrelo ahora