Chapter 50: The Day Before the Game

1.7K 23 1
                                    


l ALMIRA'S POV l


Weeks ago inuto-uto lang ako ni Myco ay natapos no'n ... okay na kami.


Ngayon, Saturday, papunta ako sa kanila. Kasama si Sharrine. Napilitan akong isama siya dahil sa aalis si mama at walang maiiwan sa kanya. Nandoon pa naman si Callix. Bahala na.


"Saan tayo ate?"-tanong niya, ngumiti nalang ako.


Maya maya pa nasa tapat na kami ng bahay nina Myco. Kumatok ako at agad naman iyong binuksan ni ate Jana na agad ding nakita si Sharrine.


"Oh Callix may bisita ka!"-sigaw ni ate Jana. Biglang lumabas ng kwarto niya si Callix.


"Si Callix?"-bulong ni Sharrine, rinig ko kasi karga ko siya ngayon.


"Dito muna tayo saglit kina Callix ha, Sharrine."


"TITA MIRA—oh. Amiah"


"Charin 'yon."


"May Amiah naman sa start eh. Buti nga ikaw two name mo. Ako one lang"-nagpakita ng isang daliri niya si Callix. Binaba ko si Sharrine para halikan si Callix... pero dahil sa ang bango niya, hindi ko naiwasan hindi siya paulanan ng halik lalo na sa leeg at tyan. Tawa naman siya nang tawa. Natigil lang iyon ng biglang umiyak si Sharrine. Sabay kaming nagulat ni ate Jana, bigla namang tumawa si Callix.


Mula sa kung saan, sumulpot si Myco at kinarga si Sharrine. Ba't siya umiyak?


Lumapit ako sa kanya para punasan yung luha niya. Karga pa rin siya ni Myco.


"Ba't mo pinaiyak?"-tanong niya pa sa'kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.


"Wala akong ginawa. Nagulat na nga lang ako eh."-binalingan ko si Sharrine. "Bakit beh? Ba't ka umiyak?"-pero iling lang ang ginawa niya, umiiyak pa rin siya pero pinipigilan na niya.


Hala bakit ba?


"Uy Sharrine bakit?"


"Ihh di mo na 'ko love."


"Ha?"


"Si Callix na love mo."


Nalinawan ako. Now I get it. Nagselos siya... Biglang tumawa si Myco.


"Callix, look. May baby na ako. Siya na love ko kasi di'ba sabi mo kanina big boy ka na—"


Hindi pa man natatapos ni Myco 'yung pangangasar niya sa anak niya ... umiyak agad ito. At si Sharrine na umiiyak lang kanina, tumatawa na ngayon. Tinatawanan niya si Callix.

Second BestWhere stories live. Discover now