Chapter 23

2.3K 43 6
                                    


l MYCO'S POV l


[Myco sorry, kay Kurt na ako humingi ng statement, sorry ha]


Text ni Mira. Di naman kailangan mag sorry, may pagka praning talaga siya kung minsan. Nag-aayos na ako ng gamit nang mabasa ko ang text niya. May exam kami ngayong umaga, midterms na, buti nalang yung laro namin di tumatapat na may exam kami. Maswerte pa ko ngayon, ewan nalang sa mga susunod na araw. May walong araw pa bago matapos ang CBL.


 Nakasalubong ko si Callix pababa. Nagpakarga siya kaya kinarga ko na.  


"Pre aalis ka na?" 


"Oo, kumain ka na doon, puntahan mo si ate Jana."


"Ako 'pre kelan mag school?"


"Pag malaki ka na, maliit ka palang eh."


Bigla siyang bumaba, saka hinanap si ate Jana. Sa kusina ko siya nakitang pumunta.


"Ate Jana, kain na akong dami, gusto ko na magschool eh."


"Hala kang bata ka."


Natawa ako bigla, lumapit ako kay Callix para magpaalam saka umalis.

***

l ALMIRA'S POV l


May exam uli mamaya, kailangan uling magreview. At kasama ko na naman si Dion, nakikireview uli.


After naming magreview, umalis na siya agad kaya naman aalis na rin sana ako. Kaso bago pa ako makatayo sa kinauupuan ko. May tumabi na agad sa'kin. Nang lingunin ko siya ...


"Hello."


Iyong lalaki kahapon at kagabi. Ba't siya nandito?


"Anong kailangan mo?"-tanong ko, na tinawanan lang niya.


"Ang sungit mo, makahawig lang pala talaga kayo ni Ash, pero di kayo magka-ugali"-nasabi niya. 


Kumunot ang noo ko. Naisip ba niyang pwedeng ma-offend ako sa sinabi niya?


"Hindi ako masungit, pero dahil sa sinabi mo pwede kitang masungitan talaga."


"Uy easy. Sorry."-


Hindi ko siya sinagot at inayos nalang isa isa ang mga gamit ko. "Let's be friends"


Napatigil ako at naguguluhang tinignan siya. "Di tayo close tapos 'let's be friends'? Ano yon?"-bagay sila ni Yana, isang FC at isang FC, perfect!


"Kaya ko nga sinabing 'let's be friends' para maging close tayo eh. Slow."-nakaka-offend siya ah!


"Wow ha, slow? Tingin mo gugustuhin kong makaclose ka? Sorry but excuse me. Alis na 'ko."-mababait naman sina ate Coleen ah, sina kuya Yuri, kahit sina ate Callea at kuya Drake na mukhang snob eh mabait din. Anong nangyari sa isa pa nilang kaibigan?


"Huy sorry na."


Pahabol niya pero di ko na siya pinansin, nilingon ko lang siya nang medyo makalayo na 'ko. Ngingiti ngiti lang siya doon sa pinag-iwanan ko sa kanya. Di siya nag-iisip, paano kung may makakita sa kanya doon habang ngumingiti siya, edi napagkamalan pa siyang baliw.


Bahala siya.

***

l KIEL'S POV l


Nakakaaliw si Almira. Hindi siya mahiyain, malayo siya kay Ash.


Speaking of Ash, ba't nga pala magkahawig sila? Kambal? May kambal ba si Ash na hindi niya nalalaman o nakikilala?


Ay teka, mas matanda ata ng isang taon si Ash doon, paano sila magiging magkambal?


Kapatid kaya? Pero si Gail lang ang kapatid niya. Wala nang iba.


Coincidence lang ba talaga yon?


Natigil ako sa pag-iisip nang makareceive ako ng text ... si Coleen na naman.


[Kieliit, natadtad na kita ah. Di ka ba talaga magrereply? Ano wala kang load? Galing kang ibang bansa tapos pangload lang wala ka? Magreply ka naman uy!]


Di niya talaga ako titigilan hanggat hindi ako nagkikwento ng buo sa kanila. Pero pasensya dahil wala na akong masasabi pa. Pinasok ko nalang ang phone sa bulsa. 

___________________

February 03, 2015

Second BestHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin