Chapter 19: Memories of Her

3.2K 50 6
                                    


l MYCO'S POV l


Sana hindi nalang itinanong ni Mira 'yon. Nagulo tuloy ung isip ko ngayon.


Pero hindi ko siya masisisi, may pagkamatanong siya. Nagtatanong nalang naman siya pag may hindi siya maintindihan o di kaya kapag naguguluhan siya.


Baka naguguluhan na siya sa'kin.


Eh sa magulo naman talaga ako, di pa ba siya nasanay.


"Pre!"-nasa tapat na pala ako ng bahay.


"Myco, ang aga mo naman?"-nag-angat ako ng tingin, si mama pala nandito. At mukhang aalis sila ni Callix.


"Saan kayo pupunta?"


" 'Pre pupunta kami kay mama. Sama ikaw 'pre!"-nagulat ako at napatingin kay Callix, di tuloy ako nakasagot agad.


"Eh kasi 'tong si Callix, nabasag ung picture frame ni Ash sa may table kanina. Pupunta raw siya sa mama niya at magso-sorry"-paliwanag ni mama. Huminga ako ng malalim bago magsalita. 


Bumigat bigla ang loob ko.


"Sige 'ma, ingat kayo."-hinalikan ko muna si Callix sa ulo bago tumalikod sa kanila.


"Di ikaw sasama?"-pahabol na tanong ni Callix. Napilitan akong humarap sa kanya.


"Di na, ikamusta mo nalang ako sa mama mo ha?"


"Ba'la ka, mumulto siya sa'yo."


Sana nga talaga Callix, miss ko na siya.


Ngumiti nalang uli ako. Umakyat ako ng kwarto nang makita kong nakaalis na sila.


Nakita ko ung picture ni Ash sa may kama ko, eto yata yung may frame na nabasag ni Callix.


Stolen 'to galing sa cellphone ko, eto ung time na nangingiti siya habang kachat si Ethan ata 'yon. Naaasar ako sa dahilan ng pagngiti niya pero natuwa ako sa mismong ngiti niya kaya naman kinuhaan ko ng picture.


"Ang daming nagpaalala sakin sayo ngayon araw. Namiss tuloy kita."-alam kong may mga taong kumakausap ng litrato pero ni kailan di ko naisip na gagawin ko rin iyon. Natatawa tuloy ako ngayon na ewan. "May galit ka pa ba sakin Ash? Kasi ni kailan hindi ka nagparamdam sa'kin. Oo napapanaginipan kita, pero di ko damang nagpaparamdam ka, o na iyon ang paraan ng pagpaparamdam mo"


Oo, ni kailan ay hindi siya nagparamdam sa'kin.


Second BestWhere stories live. Discover now