xx E

5.6K 57 21
                                    

-EPILOGUE


l ASHTINE'S POV l


Ilang araw akong nag-ipon ng lakas ng loob bago pumunta uli sa bahay ni Myco. Ilang beses ko na kasing sinubukan pero papaalis palang ako ng bahay... nagbaback out na agad ako.


Tandang tanda ko pa yung sinabi ni Myco na huwag muna akong magpapakita sa kanya hanggang mahal niya pa ako.


2 weeks after kong malaman lahat... ngayon palang ako nakaipon malaki-laking lakas ng loob.


Nasa tapat na ako ng pinto at hindi ko alam kung kakatok na ba ako o mag-iintay muna ng ilang minuto bago ako tuluyang makapagready.


Mag-aattempt na sana akong kumatok nang makarinig ako ng matining na tawa... tawa ng isang bata.


Kumabog agad ng malakas yung dibdib ko.


Sinubukan kong idikit yung tenga ko sa pinto para malaman kung sa loob ba galing 'yung tawa na iyon pero mukhang hindi.


On instinct, umikot ako sa likod ng bahay. At habang papalapit ako doon, mas malinaw kong naririnig 'yong boses. Mas lumalakas din yung kabog ng dibdib ko... parang hindi na ako makahinga dahil doon.


Sa likod, una kong nakita ang isang ring na may stand... mababa lang iyon at halatang pambata. Sunod kong napansin 'yung bola na binato sa ring na iyon pero hindi pumasok... kinabahan na ako.


Tinignan ko yung direksyon kung saan galing ang bola.


... may isang bata. Tumatakbo siya para habulin yung bola niyang gumugulong. Noong makuha niya iyon ay shinoot niya 'yon sa ring.


Tinignan ko yung mukha no'ng bata.


At bigla nalang nanubig yung mata ko. Kakaibang pakiramdam yung naramdaman ko and I couldn't name it.


Mula sa backdoor ng bahay lumabas si Myco at saglit munang pinanood yung bata bago niya ako mapansin.


Nagkatinginan kami at kitang kita ko yung biglaang pamumutla ng mukha niya.


"Callix?"-tawag niya sa bata. Humarap siya dito at umupo sa harap nito. "Pumasok ka muna sa... sa kwarto mo. Please? Doon ka muna mag play."


Sumulyap siya sa'kin bago papasukin yung bata...


Nagtatakang tinignan ko siya at namumutla namang lumapit siya sa'kin.


"Bakit ka nandito?"-tanong niya nang makalapit siya sa harap ko. 


Tinignan ko lang siya pero hindi ko kinaya... nagpakita na ako ng emosyon. Naiyak ako.


Second BestWhere stories live. Discover now