xx D

6K 82 32
                                    

l ALMIRA'S POV l


6 years later...


"Miss Almira!"-habol sa'kin ni Tessa, isa sa kasamahan ko sa trabaho. I am a columnist sa isa women's magazine.


"May nakalimutan ka?"-tanong ko sa kanya.


"Ay wala, eh kasi tutal Friday naman ngayon. Baka pwede kang sumama sa'min? Let's hang out! Sasama sina sir Bogs! Naku dinner daw saka magKTV tayo."


Alanganing ngumiti ako.


"May plano na kasi ako ngayon eh. Pasensya na ha?"


"Aww sayang naman. Sige. Next time nalang!"-ngumiti siya saka nagpaalam. Mabilis naman akong nag-ayos ng gamit kasi nasa baba na yung susundo sa'kin ngayon.


Bumaba ako sa ng building at pumunta sa may parking. Linagay ko sa likod ko yung magkabilang kamay ko habang papalapit kina Callix. Inikot ikot ko sa daliri ko yung singsing na suot ko.


"Tita Almira!"-Sinalubong ako ni Callix ng kiss sa cheeks.


"How's school?"-tanong ko, galing kasi sila ni Myco sa Amethyst.


"Top one pa rin ako. Si Sharrine nagtop 3 nalang sa klase. Si Nikita na yung top 2. Umiyak si Sharrine no'ng nalaman niya 'yon."


10 years old na sila ngayon at nasa grade 5 na sila parehas. Sumakay kami sa kotse, syempre inalalayan kami ni Myco.


"Talaga?"


"Oo. At alam mo ba tita Almira, ako yung nagpatahan kay Sharrine kanina."-napangiti ako saka liningon si Callix na nasa backseat.


Humarap ako kay Myco.


"Sa likod nalang din kaya ako?"


Lumingon siya sa'kin.


"Ano ka. Magmumukha akong driver."


Sumimangot ako.


"Damot."-napasulyap ako sa singsing sa kamay niya then unconsciously, I smiled.


Wala lang. Napangiti lang ako.  Liningon ko uli si Callix.


"Anong sinabi mo kay Sharrine? Pano siya tumahan?"


"Sabi ko lang po panget siyang umiyak. Mukha talagang dragon. Ayon po nanahimik siya. Sabi pa ni teacher very good daw kasi napatahimik ko siya."


Nagkwento lang si Callix tungkol sa mga nangyari sa kanya sa school hanggang sa makarating kami ng bahay.

Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon