Chapter 3: Myco Lucero

7.8K 121 13
                                    


Myco Lucero


"Focus, Myco!"


Nabalik ang atensyon ko sa laro nang isigaw ang pangalan ko.


May practice game ngayon. Freshmen laban sa senior players. Dahil lumipat ako ng university at hindi na-credit ang ibang ng units na nakuha ko na, freshman pa rin ako sa Thelistine University. Irregular.


"Myco, baba mo oh!" Sigaw ng kakampi ko sabay pasa ng bola sa'kin. Sinalo ko 'yon saka sinulyapan ang itaas na bahagi ng bleacher sa huling pagkakataon.


Sabi na guni guni ko na naman, eh.


Kanina kasi namalikmata ako na nakita ko si Ash, nanonood ng laro. Nalingat lang ako saglit at pagbalik ko ng tingin doon, wala na siya.


Ganito ko na ata siya kamiss para kahit habang naglalaro ako eh bigla ko siyang nakikita.


Napapakamot ako sa gilid ng noo saka ibinaba ang bola sa kabilang bahagi ng court.

***

"Simula bukas magiging doble ang oras ng practice nating lahat dahil in four weeks, magsisimula na ang CBL. Alam naman na siguro ng lahat kung ano ang CBL, hindi ba?"


Parang mga bata na sumagot ng 'opo' ang iba habang napayuko ako sa tuhod at napabuntong hininga. Nang magsalita uli sa harap ang captain na si Alden ay ibinalik ko ang paningin sa kanya. Binigyan niya kami ng overview sa magiging practice namin sa susunod na mga araw at kung noon ay adrenaline ang mararamdaman ko sa oras na marinig ko 'yon, ngayon ay pag-aalala na. Lumipad ang isip ko kay Callix.


Kauumpisa palang ng pasukan pero halos sa gabi ko na lang siya nahahawakan. Kung madodoble ang oras ng practice, baka hanggang tingin na lang ako sa kanya dahil siguradong pag-uwi ko ay tulog na siya.


Napaisip tuloy ako kung dapat ko pa bang ituloy 'to o magquit na habang maaga pa.


"Lucero, may reklamo tayo?"


Natinag ako nang tawagin ako ng captain, naramdaman ko rin ang paglingon ng iba sa akin.


"Ako?" Taka kong tanong.


"Mukhang may problema ka sa schedule, eh."


Umiling ako. "Wala." Tanggi ko pero nang maalis naman sa'kin ang atensyon niya at magpatuloy ay napabuntong hininga uli ako.


Tingin ko hindi ko kayang magquit. Gusto ko talagang maglaro. Noon naglalaro ako para sa satisfaction pero ngayon may ibang nang rason.


Natutulungan ako nito na makalimot. Kapag nasa court ako, wala akong ibang nasa isip kung hindi ang manalo. Sa gano'ng paraan nadidistract ako at walang kahit anong nararamdaman, wala kahit ang lungkot na parang namahay na sa dibdib ko at hindi na ako nilubayan simula nang mawala si Ash.


Nang matapos ang meeting ay nagpalit lang ako ng damit. Ang plano ko ay makauwi na agad, sa bahay na lang ako maliligo. Miss na miss ko na si Callix. Sa ngayon na kina mama siya at buong linggo nang nandoon dahil wala namang ibang mag-aalaga sa kanya lalo kapag may pasok ako. Dahil weekend na ngayon at walang pasok bukas, pwede ko na siyang kunin at iuwi sa bahay.

***

"Nak, dito na lang kayo matulog ni Callix. Wala namang ipagkakaiba kung uuwi ka pa sa inyo."


"May gagawin ako mamayang gabi, eh, pagkatapos patulugin si Callix. Ayos na ba mga gamit niya?"


"Dalhin mo na lang 'yong mga kailangan mo at dito mo na gawin."


"Hindi ko pwedeng bitbitin 'yong desktop at CPU dito, 'ma." Natatawa kong sagot.


Pinansin ko kung paano niya ayusin ang mga gamit ng bata sa bag. Sinasadya niyang bagalan ang kilos, parang hinihintay na magbago ang isip ko.


Tumigil siya sa ginawa at hinarap ako. "Kung bumalik ka na lang dito?"


Tiningnan ko lang siya pero hindi ako nakasagot.


Tapos na akong magpahinga kaya tumayo na ako at ako na ang nagsara ng bag ni Callix kahit hindi pa tapos mag-ayos si mama. Ayos lang naman na may maiwan na mga gamit dito dahil sa Lunes babalik din naman uli siya dito.


"Kukunin ko na si Callix sa kwarto, ah." Paalam ko saka pumasok sa dati kong kwarto.


Katulad ng sinabi niya kaninang pagdating ko, tulog nga si Callix sa kama ko. Sandali ko siyang pinanood matulog bago siya dahan-dahang kinuha mula sa higaan. Syempre pa naalimpungatan siya at nagising. Nang magbukas ang mata niya ay hindi ko na napigilan ang sarili at pinugpog siya ng halik sa pisngi. Tutal naman nagising na siya, edi mas gigisingin ko na lang lalo.


"Pambihira ka talaga. Kaya hindi ako palagay na kayo lang dalawa ang maiiwan, eh." Reklamo ni mama nang makita ang ginawa ko.


Tumawa ako saka binalikan ang bag namin sa sala.


"Alis na kami, 'ma."


Wala siyang nagawa kung hindi ang ihatid kami hanggang sa gate. Pero bago ako tuluyang makalabas bitbit si Callix ay pinigilan niya uli ako.


"Myco, bumalik ka na lang talaga dito. Pag-isipan mo, ha? Para hindi ka na rin mahirapan kay Callix kababalik-balik dito."


Nabasa ko sa mata niya ang pakiusap at awa. Hindi ko alam kung paano magrereact doon. Naiintindihan ko iyong pakiusap pero hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung awa.


"Ewan ko lang, 'ma."


Sa ngayon kasi mas gusto ko pa rin doon. Wala namang kaso kung mag-isa lang ako doon o kami lang ni Callix ang nakatira doon. Wala na si Ash physically pero iyong mga alaala at mga gamit niya nandoon pa rin, walang gumagalaw at walang balak na galawin at itabi. Sa ganoong paraang pakiramdam ko kasama pa rin namin siya.


Sa ganoong paraan ko rin pinaparusahan ang sarili ko.


Kaya anumang sabihin ni mama ngayon, wala akong balak na iwanan ang bahay na 'yon.


09/10/2014

Second BestWhere stories live. Discover now