Chapter 60

2.2K 33 2
                                    


l ALMIRA'S POV l


Hindi ko na kaya ... kaya naman kahit mahirap, pinilit kong tumalikod sa kanila...


Palayo sa kanilang lahat. May nakapansin man o wala, wala na akong pakialam. Basta gusto ko nalang na makalayo sa kanila.


Nasa harapan na ako ng gym ng AU nang makita ako nina Kurt at Josh. Agad silang lumapit sa'kin.


"Nakita mo si Myco? Hinahanap na siya ni coach, saan ba kasi 'yung CR dito? Sabi niya magsi CR lang siya."


"Sunduin niyo ... doon."-liningon ko 'yung pinanggalingan ko.


"Nandoon? Tara Kurt... ikaw Mira?"


"Sa loob lang ako."-sagot ko nalang. Umalis naman agad sila sa harap ko.


Bahala na sila sa kung anong makita nila.

***

Ilang oras ...


Ilang oras akong nasa loob ng gym ng AU. Nag-iisip. Nadistract lang ako nang mapansin kong dumadami na 'yung mga estudyante sa loob ng court, tinignan ko ang oras at mag aala-una na pala. Malapit na magsimula ang laro.


Sinubukan kong tignan 'yung paligid... baka nandito sina ate Callea, pero hindi ko sila nakita... o baka hindi ko lang makita.


Tinignan ko yung hawak kong cellphone. Walang text.


Parang mas gusto kong umuwi nalang kesa maupo dito pero ayaw kong umalis.


Maya maya pa ay punong puno na itong gym... biglang naghiyawan ang mga estudyante, pagtingin ko sa baba, papasok na ng court 'yung dalawang grupo.


At hindi ko expected na makikita ko doon si Myco. Akala ko kasi... hindi siya makakapaglaro eh. Pero dahil naka uniform siya, mukhang maglalaro niya.


Ilang minuto pa at nagsimula na ang laro. Okay naman sana sa umpisa pero habang tumatagal kapansin pansin na walang buhay 'yung laro ni Myco... at nadadala niya ang buong team dahil sa mood niya kaya ngayon ay halos sablay ang tira nila, dahilan para lumamang sa kanila ang kalaban.


Bago mag-end ang first quarter ay binangko si Myco. Mula sa pwesto ko, kitang kita kong pinapagalitan siya ni coach pero parang wala siyang naririnig dahil nasa iisang lugar lang 'yung tingin niya.


Sinundan ko iyon ng tingin.


... at sana hindi ko nalang iyon ginawa. Dahil 'yung tinitignan niya, si Ash.


Nasa kabilang bahagi ito ng court, may hawak na camera at kumukuha ng pictures.


Isa ba siya sa mga official photographer na magcocover ng laro ng AU?


Ibig sabihin ... sa Thelistine palang, nandoon na siya.

Second BestWhere stories live. Discover now