Chapter 17: Alyanna (Part II)

2.9K 47 14
                                    


l ALMIRA'S POV l


This is not a good idea.


Ano raw, initiation? Saan nakuha ni Josh yon?


At ba't ako ung kinakaladkad niya?


"Hoy? Anong initiation sinasabi mo?"


"Excited ka, nag-iisip pa rin ako eh."-ah so wala pa siyang naiisip nang hilain niya ako. Nice, Josh.


Yung tambayan namin, nasa labas yun ng school, nasa may gilid. Open siya pero may bubong kaya di mainit, para siyang kubong walang dingding. Dati ako lang tambay doon, kaso ginawa rin nilang tambayan.


"Saan tayo pupunta? What initiation?"-kanina pang tanong ni Yanna. Kase naman kase eh. Ba't pa siya nandito. Alam ko may klase yan ngayon. Kalandian inuna.


"Mira ano bang meron dito sa kaibigan mo. Kanina ko pa sinasagot ung tanong niya, inuulit niya pa rin itanong"-tsk. Si Myco pa pala, alam niyang half sister ko yan. Di alam ng dalawa, ayaw ko ngang sabihin.


"Alyanna. Uulitin ko nalang ung sagot ni Myco sayo ha? Sa tambayan nga namin tayo pupunta. At ung initiation, wala rin kaming alam. Okay na?"-si Kurt na ung sumagot sa kanya. Lumingon ako para makita ung reaction niya. Si Kurt na ung kumausap sa kanya, imposibleng di siya magreact.


Ayun, nag react nga siya. Namumula siya ngayon.


***

"Tambayan niyo 'to?"-maang na tanong ni Alyanna habang nakatingin sa paligid. Alam kong maarte siya pero wala namang kapintas pintas dito sa lugar namin eh, di niya kailangang mag inarte. 


"Oo, okay diba? Mahangin, di mainit, tahimik pa."-si Joshua, hyper niya ngayon. 


"Ini-expect ko na worst ang itsura no'n. May initiation pa kasing nabanggit eh so I thought-- ah nevermind."-Umupo si Yana, si Myco ang tinabihan niya.


Bakit si Myco pa eh bakante rin naman ung inuupuan ni Kurt.


Nanahimik kami sandali, sandali lang kasi binasag din ni Yana ung katahimikan. May tinanong siya.


"Kapag nagawa ko yang initiation kuno. Pwede ko na kayo maging friends?"-inosenteng tanong ni Yana. Inosente nga ba? Basta mukha siyang inosente habang tinatanong niya yun. But I know better.


Balak niya talagang mapalapit kay Kurt ha. Pero mapapalapit din siya sa'kin, kailangan niya akong pakisamahan. Kaya nga ba?


Ako kasi hindi eh.


Second BestWhere stories live. Discover now