Chapter 42: His Birthday

2.6K 31 6
                                    


l ALMIRA'S POV l


Monday. Pinakaayaw kong araw. Ang aga ng pasok eh. Imagine, 7:30am ang first class. Ang subject, Business and Economics Journalism.


Napahikab ako, gusto ko pang matulog.


Biglang tinapik ng katabi ko yung kamay ko, sunod may inibot siya sa'kin papel ... Es ... S.O.S??


Tinignan ko si Dion. Siya yung katabi ko ngayon and yeah, classmate ko siya sa subject na 'to.


"Inaantok din ako eh."-bulong niya. Gumawa na siya ng table para sa S.O.S na yon.


May letter 'S' na sa table, tira niya siguro. Ako naman yung sunod na nagsulat.


At hanggang sa naglaro na nga lang kami kesa makinig. It was surprisingly fun kahit na lumang laro na yon, nalibang ako at nawala yung antok naming pareho.


After that subject, may 1 hour vacant kami, agad namang nagpaalam si Dion kasi may next class pa siya, irreg siya so iba yung schedule niya sa sched. namin. Bilang isang estudyanteng walang circle of friends, nanahimik nalang ako sa upuan ko at saka yumuko sa desk. Hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakayuko, naramdaman ko bigla yung cellphone ko na nagvi-vibrate.


T_Myco calling ...


Muntikan ko nang mabitawan ko phone at sandali akong nakalimot na huminga.


I slowly released the air inside my lungs before answering the call.


"Y-Yes?"


[Tita Chixx!]


Nailayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa matinis na boses na yon. Magkahalong relief at disappointment yung naramdaman ko noong marinig ko yung boses ni Callix sa kabilang linya.


I thought it was Myco.


"C-Callix? Hello. Bakit?"


[Tita Chix pupunta ka po maya? Punta ka ha. Wag mo sasama si Sharrine]


"Huh?"


[Ha po?]


Teka hindi ko naintindihan. Anong meron?


"Hello? Lix? Bakit?"


[Ha po?]


"Ahm ... anong meron mamaya?"


"Bir-day po. Bir-day ni 'pre"


Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon