Oplan - 11

2.1K 41 1
                                    

Matapos ang graduation nina Ericka ay naging abala siya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa fashion show na nakatakdang gawin sa Hong Kong. Isa siya sa mga models na mapalad na napili para sa isang bigating fashion gala ng isang kilalang designer.

Ngayon nga ay nakatakda na silang umalis papuntang Hong Kong. Kung tutuusin ay napaaga ang dating niya sa NAIA airport. Nagbabakasali kasi siyang dumating sa huling pagkakataon si Jarome. Huli silang nagkausap noong nasa Sonja’s cupcake house sila. Matapos iyon ay hindi na niya ito muling nakausap mula noon.

Marahil ay naging busy ito sa paghahanda para sa pag take-over nito sa family company ng mga ito. Maaari ring busy ito sa ibang bagay, like Antonette. Ang huli lang ang nakausap niya matapos ang insidenting iyon. Dalawang beses din silang lumabas na magkaibigan. At during those times, wala na itong ibang bukambibig kundi si Jarome. Hindi na lang siya nagpapahalatang minsan ay hindi na siya interesadong making dito dahil alam naman niya ang mga bagay na iyon tungkol kay Jarome. Ayaw naman niyang masaktan ang damdamin ni Antonette dahil lang sa pagseselos niya.

Tama, nagseselos nga siya. Hindi niya alam na capable pala siyang makaramdam ng ganoon lalo na at si Jarome at Antonette ang involve. Never in her wildest dream na naisip niyang ang matalik pa niyang kaibigan ang magiging karibal niya kay Jarome. Kung sa bagay, ni hindi nga niya namalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya kay Jarome. So basically, walang kasalanan si Antonette kung magpakita man ito ng interes sa binata.

Tahimik na naupo siya sa isang sulok ng isang sikat na fast food chain na nasa loob ng paliparan. Iyon ang sinabi niyang lugar kay Jarome kung saan niya ito hihintayin nang itext niya ito kahapon. Bagama’t alam niyang suntok sa buwan na dumating ang binata, hindi pa rin niya maiwasang umasa na bigla na lang itong susulpot sa harapan niya. Napatingin siya sa relong pambisig niya. May kalahating oras pa bago magsidatingan ang mga co-models niya. Maaari pa ding humabol si Jarome…

Eksaktong pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatayo sa harap niya si Jarome. Agad na yumakap siya dito. Hindi na niya napigilan pa ang pagtulo ng mga luha niya. “Ang akala ko’y hindi ka na darating. Akala ko tuluyan mo na akong nakalimutan,” humihikbing sabi niya dito. Masaya siya dahil sa huling pagkakataon ay nagpakita ito sa kanya. Ang akala niya ay tuluyan na siya nitong tinikis.

Hinagod nito ang buhok niya. “Pwede ba namang mangyari iyon? Mabuti na lang ay itinext mo ako kahapon na paalis ka na pala. Naging busy ako sa company. Katunayan ay kakagaling ko lang ngayon sa Cavite. Dumiretso na ako dito at baka hindi na kita maabutan.”

“Masaya ako’t nakarating ka.” Nakatitig siya sa mukha nito. Pilit niyang itinatak sa isip niya ang bawat detalye ng mukha nito para kapag nasa Hong Kong na siya ay mabaon niya ang alaala nito.

Ginagap nito ang isang kamay niya at marahang pinisil pisil iyon at pagkatapos ay dinala iyon sa labi nito. “Hindi kita tatanungin kung bakit kailangan mong umalis kasi naiintindihan kita. Alam kong isa ito sa mga pangarap mo. Basta lagi mo lang tatandaan, no matter what happen. Kahit sumikat ka o hindi sa larangan ng pagmomodelo, lagi lang akong narito para sayo. Kapag wala nang gustong pumalakpak sayo, papalakpakan pa rin kita,” madamdaming pagpapahayag nito.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon