BNKM - 20

2.5K 56 0
                                    

OLIVER'S POV

SA HALIP na sa Batangas dalhin ni Oliver ang asawang si Zyra ay sa townhouse nila sa Quezon City niya dinala ang kanyang asawa. Hindi pa siya handang dalhin ito sa resort at ipakilalang asawa niya sa mga trabahante niya. May kung anong bagay na pumipigil sa kanya.

Sa ikatlong araw na pananatili nila doon ay nagpaalam siya sa asawa na makikipagkita sa isa sa naging kaibigan niya noong college pa siya. Hindi nito nakilala si Neil, ang kaibigan niya, dahil sa pambabaeng university ito nag-aaral noon.

Nang mamatay ang mommy niya ay nakatanggap siya ng email mula sa ka-teammate at kaibigan niyang si Neil Quinn. Nakikiramay ito sa email nito at sinabi rin nitong magkita sila kapag umuwi siya ng Pilipinas. Hindi na niya ito natanong kung paano nito nalaman ang email niya pero sa panahon ngayon, alam niyang madali na lang gawan ng paraan ang bagay na iyon.

Itinabi niya ang kotse niya sa harap ng gate ng isang malaking bahay na nasa loob ng isang kilalang subdivision.

“Kamusta pare? Condolence nga pala ulit.” bungad sa kanya ng kaibigan. Pumasok sila sa malaking sala ng mga ito. May naabutan silang isang batang babae na naglalaro ng Barbie doll na kasinlaki yata nito.

“Anak mo?”

Proud na ngumiti ito sa kanya. Halatang ipinagmamalaki nito ang anak nito. “Ikaw, ang balita ko ay nag-asawa ka na raw? Kayo rin pala ni Zyra ang nagkatuluyan?”

Marahang tumango siya sa tanong nito. Mabuti na lang ay tinawag sila ng isang magandang babae mula sa kusina na napag-alaman niyang Angela ang pangalan at siyang asawa ni Neil kaya nakaligtas siya sa mas malalim na interogasyon.

“Lunch na muna tayo,” magiliw na sabi ni Angela sa kanila. Kinarga ni Neil ang anak nito at sumunod naman siya sa mga ito papunta sa kusina.

In between their lunch ay nagkamustahan sila na magkaibigan. Napag-usapan nila ang ilan sa mga pinaka-memorable na pangyayari sa buhay nila noong nag-aaral pa sila ng college. Pagkatapos nilang mananghalian ay nag-inuman naman sila sa garden ng bahay nito. Bandang hapon ay dumating naman ang dalawa pa nilang ka-teammate noon na sina Ardie at Luis.

Gabi na nang makauwi siya sa townhouse nila. Naabutan niya ang asawa na nakatulog na sa sofa sala habang naiwan naman nitong nakabukas ang tv.

Nakatulugan na marahil nito ang paghihintay sa kanya. Marahang niyugyog niya ito sa balikat. “Pasok na tayo sa kwarto,” yaya niya dito.

Nagpatiuna na siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kwarto nila. Nang maramdaman niyang lumundo ang kama ay hindi siya kumilos. Maging nang maramdaman niya ng yakapin siya ng asawa ay hindi pa rin siya tuminag. Pinangatawanan na niya ang pagkukunwaring tulog.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon