BNKM - 05

3.6K 66 0
                                    

PAULINE'S POV

Tapos nang mananghalian si Pauline subalit hindi pa rin niya nakikita sina Jenny at Raffy sa resort kaya nagpasya na siyang tawagan ang kaibigan. Agad naman itong sumagot sa pangatlong ring.

“Hi! Where are you?” agad na tanong niya rito.

“I think I should be the one asking you that question. Where are you Pauline? Pinuntahan ka namin ni Raffy sa work mo pero nag leave ka daw. What’s happening with you? Nasaan ka?”

Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Siguro dahil iyon sa biglaan niyang pagli-leave. Kagaya ng mga officemates niya ay siguradong nagtataka din ang kaibigan niya sa biglaan niyang pagli-leave.

“Nasa Laiya ako. I’m supposed to surprise you pero wala ka.” Napilitan na rin siyang magsabi dito ng totoo.

“Oh! You’re sweet!” tumitiling saad ng kaibigan niya sa kabilang linya. “You should have told me para hindi na ako sumama kay Raffy dito sa Makati. May inaasikaso pa kasi kami. Nagkaproblema iyong gagawa sana ng souvenirs namin so we have to find another people who would do the job. Baka sa Friday pa kami makarating diyan kasi susunduin na rin namin ni Raffy si mommy Rose sa airport on the same day,” mahabang paliwanag ng kaibigan niya. Once pa lang niyang nakikita ang mother ni Raffy na si tita Rose.

“Ah, okay.” Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-dismaya dahil ang buong akala pa naman niya ay makaka-bonding niya ang best friend niya few days before Jenny’s wedding.

“Are you okay there? Nakilala mo na ba si Oliver? Ang mabuti pa siguro’y tawagan ko si Oliver para masamahan ka niya habang wala pa kami diyan.” suhestiyon ng kaibigan niya.

Agad naman siyang tumanggi. “Naku, huwag na. Nakilala ko na siya kaninang umaga. He’s busy. Besides, okay lang naman ako. I’ll be fine. Magbabasa na lang muna siguro ako ng mga dala kong paperbacks habang wala ka pa. Huwag mo nang tawagan si Oliver, I’ll be fine,” pagbibigay assurance pa niya dito.

“Are you sure?” pangungulit pa rin nito.

“Yes, I am.”

“Okay. So I’ll just see you on Friday, okay? Have to go now at may kakausapin pa kami ni Raffy. Bye.” Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.

Wala sa sariling napabuga siya ng hangin. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Kung ganoong hindi pala niya makakasama sa resort na iyon si Jenny, ang mabuti pa siguro ay bumalik na lang siya ng Makati. Wala naman kasi siyang gagawin sa lugar na iyon sa loob ng apat na araw.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon