God Gave Me You - 22

875 18 0
                                    

ALDEN



"So ano, nagseselos ka nga?" tanong ulit ni Teejay na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Bahagya siyang nakayuko at nakatukod ang dalawang kamay sa sofa.


"Shut up, bro," paangil na sagot ko sa kanya. Hindi ako nagseselos, noh. Saka ba't naman ako magseselos? Hindi naman kami ni Meng. He's your lola's caregiver, paalala ng isang bahagi ng isip ko.


"Yes or no lang ang sagot, bro. Nagseselos ka ba?" Talagang makulit rin 'tong si Teejay, eh. High school pa lang kami, maloko na 'tong isang 'to.


It took me almost two minutes to answer his question. "N-no." I just hope I sounded convincing.


Pero bakit nang bumalik sina Derick at Meng sa sala ay parang gusto kong palitan ng 'yes' ang sagot ko? At bakit naiinis ako habang nakikita kong masayang nag-uusap sina Meng at Derick?


"Mag-iinom kayo?" agad na tanong ko nang makitang beer pala ang nakalagay sa tray na bitbit ni Derick kanina. Pulutan naman ang dala ni Meng.


"Konti lang, pre. Ikaw inom ka ba? Ayaw nitong si Meng, eh. Madali raw siyang malasing."


Kahit papaano ay nakampante ako na silang dalawa lang ni Teejay ang iinom. Ayoko ring uminom. Hindi rin naman malakas ang tolerance ko sa alak at lalong ayoko ng hangoever.


"Sige kayo na lang ni Teej," sabi ko bago tumingin kay Meng na ngayon ay nilalantakan ang sisig na dala ng mga kaibigan ko.


"Gusto mo?" alok niya sa 'kin. "Masarap," dagdag pa niya habang inuumang ang hawak na tinidor sa 'kin. At bago pa magbago ang isip ko ay hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng tinidor at saka iyon iginiya papunta sa bibig ko.


Pero huli na nang mapagtanto kong sobrang anghang pala niyon. Agad na namula ang pisngi at tenga ko dahil sa sobrang anghang ng sisig. Sa pagkataranta ni Meng ay kinuha niya ang isang bote ng beer at inabot sa akin.


Agad naman akong umiling at sumenyas sa kanya na kumuha ng tubig sa kusina. Mabuti na lang at mabilis niyang na-gets ang gusto kong sabihin. Tumayo siya at mabilis na kumuha ng tubig sa kusina.


"Putek, ang anghang. Paano niya natitiis ang ganito kaanghang na pagkain?" usal ko habang patuloy kong pinapaypayan ang bibig ko.


Hindi nagtagal ay nagbalik rin agad si Meng bitbit ang isang basong may laman nang tubig at sa isang kamay naman niya ay pitsel.


Inilapag muna niya ang pitsel sa mesa bago inilapit ang baso sa bibig ko. Pero dala yata ng pagkataranta ay tumapon ang tubig sa dibdib ko nang hindi sinasadya.


"Naku, sorry!" hinging paumanhin ni Meng habang hinihimas ang dibdib ko na natapunan ng tubig. Parang bigla kong nakalimutan ang anghang sa dila ko at mas na-focus ang attention ko sa kamay ni Meng na ngayon ay humahaplos sa dibdib ko na tila ba matutuyo niyon ang damit ko.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon