BNKM - 08

3.5K 66 0
                                    

PAULINE'S POV

Eksaktong alas singko ng hapon ay nag-out si Pauline sa opisina. Simula nang matapos ang beach wedding nina Raffy at Jenny ay marami siyang binago sa sarili niya. Kung noon ay madalas siyang mag-overtime para maiwasan niya ang masyadong pag-iisip sa bahay, ngayon ay hindi na. Pagpatak ng alas-singko ay nag a-out na siya pwera na lang kung mayroon talaga siyang mga importanteng mga bagay na dapat na pagtuunan ng pansin.

Lumabas siya sa building ng opisina nila at nag-akbang ng magdaraang taxi. Coding ang kotse niya kaya’t wala siyang choice kung hindi ang maghintay ng taxi. Wala pa yata siyang limang minutong nakatayo sa pwesto niya ay may pumaradang kotse sa harap niya. It was Oliver Moller’s car.

“Ikaw na naman?” kunwa’y naiinis na tanong niya sa binata ng umibis ito ng kotse.

“Where’s your car?” sa halip ay tanong nito sa kanya.

“Coding,” maikling sagot niya dito. Iyon ang pangatlong beses na pumunta ito sa bangkong pinagtatrabahuan niya. Niyayaya siya nitong mag-date pero lagi din niya iyong tinatanggihan. Hindi pa siya ready na makipag-date. Sinasanay pa niya ang sarili niya sa mga bagong bagay na ngayon lang niya ginagawa after so many years. Saka na niya ito pagbibigyan kapag nasanay na siya.

“I see. So ano, hatid na kita sa inyo? Tapos baka pwede mo na akong pagbigyan sa date na hinihingi ko? Please?” Ayaw niyang ginagamitan siya nito ng ganoong tono. Kapag kasi parang nagpapaawa effect na ito sa kanya ay parang nagtatagumpay itong mapalambot ang puso niya.

“I don’t understand, you keep on asking me out and I keep on telling you NO. Why do you keep on trying, Oliver?”

“I don’t know. I feel like if I keep asking, maybe one of these days you would actually say YES.”

Hindi niya maiwasang kiligin sa sagot nito. “Ganoon ka importante ang ‘oo’ ko sa iyo?”

“Yeah. Kaya please, pumayag ka na. Friday ngayon kaya ma-traffic. At babalik na ako ng Batangas bukas. Matatagalan bago ulit kita makita,” pagsusumamo pa nito.

“Okay, sige na nga. Basta, saglit lang tayo, ha?”

Iyon lang at sumakay na siya sa kotse nito habang malakas ang kabog ng dibdib niya. Isa iyon sa mga bagay na napansin niya kapag kasama niya ang binata. Bumibilis at nagiging eratiko ang pintig ng puso niya. Nagiging maaliwalas ang paligid at tila lagi siyang idinuduyan sa alapaap. Senyales ba iyon na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa binata?

Sa Bon Chon sa The Fort humantong sina Oliver at Pauline. Hindi niya alam kung paano nalaman ng binata na isa iyon sa paborito niyang kainan. He must have asked Jenny.

Pagkatapos nang masaganang hapunan ay niyaya siya nitong maglakad-lakad sa Bonifacio High Street hanggang sa pumasok sila sa isang coffee shop.

Nagkwentuhan muna sila tungkol sa kanya-kanyang mga trabaho. Ikinwento niya dito ang mga pagbabagong ginawa niya sa sarili niya nitong mga nakalipas na linggo. Natawa pa ito ng sabihin niyang nakakapanood na siya ng sine at nagagawa na niyang tumambay sa mall kapag weekends.

Nagkwento naman ito ng mga bagay na may kinalaman sa resort nito. At kaya pala ito nasa Makati ay dahil may dinaluhan itong seminar na may kinalaman pa rin sa linya ng negosyo nito.

Sa huli ay personal na tanong ang nagpaumid sa dila niya. “So, who’s your celebrity crush?” tanong ng binata.

“I don’t have one.”

Umiling-iling ito sa naging sagot niya. “Imposible! Ikaw lang yata ang kakilala kong walang crush na artista. Kahit Hollywood actors, wala?”

“Wala nga,” natatawang sagot niya dito. Hindi siya makapaniwalang magiging malaking isyu para dito ang kawalan niya ng crush na local o Hollywood celebrity.

Well, nagkaroon siya ng crush noong college siya. Local athlete player sa university nila na parang celebrity na rin dahil sa dami ng fans nito. His name was Levy. Pero pwede ba niya iyong sabihin kay Oliver ‘Levy’ Moller?

Baka pagtawanan siya nito. Kaya nanahimik na lang siya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon