Oplan - 20

2.4K 53 0
                                    

“PAG-ISIPAN mo munang mabuti ang sinasabi ko sayo bago mo tanggihan, girl. Sayang din yun. At ayaw mo nun, magiging busy ka kaya pansamantala mo munang makakalimutan si Jarome,” narinig niyang sabi ni Portia sa monitor ng laptop niya. Kinukumbinsi siya nitong tanggapin na ang alok na advertisement para sa isang sikat na shampoo. Noong pauwi pa lang siya galing New York ay kinokonsidera niyang tanggapin ang alok na iyon. Subalit sa estado ng puso niya ngayon, duda siya kung magagawa niya ng maayos ang proyektong iyon.

“Hayaan mo, pag-iisipan ko, Portia. Salamat nga pala sa chocolates na ipinadala mo, friend.” Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya dahil may incoming call siya mula kay Naj. Ito ang pangatlong kausap niya ng hapong iyon. Nauna niyang nakausap si Bea bago si Portia. Nag-message siya sa tatlo through Facebook tungkol sa kinahinatnan ng buhay pag-ibig niya. Kaya hayun at isa-isang kausap niya ang mga ito sa Skype.

“Alam mo, hindi na ako nagtataka nang i-message mo sa akin ang bagay na iyon. Nang magpaalam ka pa lang sa akin na uuwi ka ng Pilipinas, alam ko nang lalaki ang unang dahilan. Hindi ko naman alam na dalawang linggo ka pa lang diyan ay magkakaganyan ka na. Ano ba talaga ang nangyari?” usisa sa kanya ni Naj.

Sa pagitan ng pag-iyak ay ikinwento niya rito ang mga nangyari sa nagdaang dalawang linggo at kung sino si Jarome sa buhay niya.

“Mahirap nga yan, girl. Mabuti sana kung walang batang involve. Mas magiging madali sana ang lahat.”

“Kaya nga, eh. Pero Naj, iniisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Jarome, para na akong mababaliw,” malungkot na saad niya sa kaibigan.

“Huwag ka munang mababaliw, mamahalin pa kita.”

Of course, hindi iyon galing kay Naj. The voice came from her back. And she was sure of the owner of that voice.

“Jarome?” nagtatakang tanong niya ng lingunin niya ito. Nagha-hallucinate lang ba siya o totoong nasa harap niya ito.

“Girl, iyan na ba iyon Jarome na sinasabi mo?” narinig niyang sigaw ni Naj mula sa monitor.

Hindi na niya sinagot ang kausap niya sa Skype dahil ang buong atensiyon niya ay nakuha na ng lalaking nakatayo sa harapan niya. “Jarome, anong ginagawa mo dito? Paano mong nalaman na nandito ako?” pinilit niyang gawing kaswal ang kanyang tinig.

“Susunduin na kita. Ayokong tuluyan kang mabaliw. Gusto ko, sa akin ka lang mabaliw,” pilyong ngumiti ito sa kanya.

At ang hudas! Nagagawa pang ngitian siya ng ganoon gayung siya ay halos mabasag na ang dibdib niya dahil sa lakas ng kabog niyon.

“Hindi ako nagbibiro,” seryosong saad niya dito.

Nakita niya ng sumeryoso din ang mukha nito. “Hindi rin naman ako nagbibiro. I came here to talk to you.”

So they talked.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon