BNKM - 23

2.6K 55 0
                                    

PAULINE'S POV

NAGULAT si Pauline nang makita niya ang mga bagong pasok sa komedor. Si Oliver at isang magandang babae. Hindi nasabi sa kanya ni Jenny na nakauwi na pala ng bansa si Oliver at ang asawa nito. Agad na lumipad ang mata niya sa magkahugpong na kamay ng mga ito. So, this is Oliver’s wife.

Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-inog ang mundo niya. Biglang parang naging mapait na likido ang laway sa lalamunan niya. For a moment ay hindi niya alam kung ngingitian niya ang mga ito o iignorahin na lang ang mga presensiya ng mga ito na para bang hindi niya nakikita ang mga ito. Pero sa huli ay nanaig ang pagiging civil niyang tao. Pilit na ngumiti siya sa mga ito at lumapit sa mga bagong dating.

Humalik siya sa pisngi ni Oliver at nakipag beso-beso naman siya sa kasama nito – or should she say, sa asawa nito. Maging siya ay nagulat sa inakto niya. Maaari namang ngumiti na lang siya sa mga ito pero kinailangan pa niya talagang lumapit. Ganoon yata talaga kapag may iniindang selos sa dibdib, gagawin ang lahat mapalabas lang na tila wala ang isang bagay na sa totoo lang ay unti-unting humihiwa sa puso ng isang tao.

Ramdam niya ang uneasiness sa mukha ni Oliver samantalang genuine naman ang ngiti ng babaeng katabi nito.

“H-hi Oliver. Glad to see you, again,” lihim na kinastigo niya ang sarili dahil sa pag i-stammer niya.

“Same here. By the way, this is Zyra…”

Alam niyang may kadugtong pa sana ang pangungusap nitong iyon pero sa hindi niya malamang dahilan ay hindi nito itinuloy. “Your wife?”

“Yeah…” Parang binabalsamo ang puso niya ng mga sandaling iyon. Ang akala niya ay tanggap na niya ang katotoohanang pagmamay-ari na ng iba si Oliver. Pero masakit pa rin pala kapag narinig mo na mismo iyon sa bibig ng taong mahal mo. Pero wala siyang ibang magawa kundi ang pilit na ngumiti. As if she was okay.

Si Jenny ang gumawa ng paraan para ma-divert ang attention ng lahat mula sa napaka-awkward na sitwasyon na iyon. Kung may nahahalata man si Zyra na may namumuong discomfort sa pagitan nila ni Oliver, hindi niya alam. Mukha naman kasing wala itong alam tungkol sa kanya. Well, wala naman itong dapat na malaman tungkol sa kanya. Ni hindi nga siya naging nobya ni Oliver.

Pinagsaluhan nila ang masarap na pagkain na inihanda ng gabing iyon. Pero kahit na gaano kasarap ang mga putaheng nasa harap niya, hindi niya halos magawang lunukin ang mga iyon. Kung hindi lang siya lalabas na bastos ay kanina pa siya tumigil sa pagkain at bumalik na lang sa kwartong inookopa niya. She could not stand the sight of Oliver together with his wife.

Sa wakas ay natapos ang hapunang iyon. Nag-excuse siya na mauna na siyang bumalik sa cottage niya dahil magpapahinga pa siya. Actually, inalok siya ng mag-asawang Raffy at Jenny na sa pension house na magpalipas ng gabi but she refused. Lalo pa ngayong nalaman niya na naroroon si Oliver kasama pa ang asawa nito.

Pagdating niya sa cottage niya ay agad na nagbukas siya ng wine na nakita niya sa ref. Nagsalin siya sa kopita at agad na sinaid ang laman niyon. Hindi pa siya nakontento ay nagsalin pa siya ng isang beses. Gusto niyang lunurin ang sarili niya sa alak upang kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya.

She was hurting because for the first time in her life, she did fall in love. But too bad she wasn’t given the opportunity to tell Oliver what she felt. Talk about wasted chances. Nagpasya siyang maglakad-lakad sa dalampasigan tangan ang ikatlong baso niya ng wine.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon